CHAPTER 43

358 13 2
                                    


Ryuu

Nakatulala lang ako, walang salita ang pumapasok sa utak ko at halos wala na akong maintindihan. Nakatulala lang ako habang hawak ang ice cream na kanina ko pa kinakain.


Dalawang araw na ang nakalipas simula noong magpacheck ako sa isang Ob-gyne. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga oras na 'yon, kung hindi nga ako dinala doon ni Clea ay siguradong gulong gulo pa rin ako ngayon.


After that check up, palagi na akong wala sa sarili, natutulala nalang ako o kaya'y magi-stay sa kwarto ko at hindi na lalabas pa, hinahatid nalang ni manang ang pagkain na inuubos ko naman dahil hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko. Wala lang ako sa mood na bumaba at makipag usap. Wala din ang dalawa dahil tinatapos nila ang tambak na trabaho, sa susunod na araw na din kasi ang pasko. December 24 na bukas.


Ngayon, napagdesisyunan kong pumunta sa sala, nagcrave din kasi ako sa malamig kaya kumuha ako sa ref at dumiretso dito. Nanonood lang ako pero hindi ko naman iyon maintindihan. Sobrang daming bagay ang pumapasok sa isip ko na hindi ko naman alam ang sagot.


Paano nga ba ako umabot sa ganitong sitwasyon?


“Are you ready?”


Dahan dahan akong tumango kahit na sa totoo ay hindi pa ako handa, hindi ko alam kung magiging handa pa ako.


“Opo."


Tumango siya at inilapag ang pt kasama ang dalawa pang papel. Tinignan ko naman iyon at nanginginig na hinawakan.


“Two red lines means positive, Yophiel and it means, you are 2 weeks pregnant. Congratulations to your baby.” Napatulala nalang ako habang nakatingin sa pt na hawak ko. I don't know how to react and i don't know what to say.


“P–Po?”


“Kahit ulitin natin ang pt mo ay gan'on pa rin ang magiging resulta. Based na din sa dugo na nakuha ko sa'yo at tinest ay kumpirmado ngang buntis ka, ijo.” May inilapag siyang muli, tumingin naman ako doon. “Paano nga ba may nabuo? Alam kong naguguluhan ka kaya ipapaliwanag ko.” Napatango naman ako kahit sobrang hirap sa'king tanggapin. “You said na you have two boyfriends 'di ba? It's possible na mayroong mabuo dahil sa parehong dugo lang ang umaagos sa kanila. Maaaring malakas ang sperm nang isa sa kanila at iyon ang posibleng nabuo sa'yo. Don't worry, dahil nga magkapatid sila ay walang magbabago sa hitsura ng magiging baby mo. Pareho lang ang makukuhang hitsura at ugali, pero depende pa rin sa pagpapalaki sa kan'ya ang ugaling pwede niyang ipakita.”


“M–May chance po ba maging kambal ang anak ko?”


Tumango s'ya. “Malaki ang chance, ijo. Karamihan sa mga carrier ay lalaki ang anak o kaya nama'y kambal.” Napatango naman ako at pinunasan ang luhang umaagos sa pisngi ko. Hindi ko alam pero sobrang saya ko. Sobra din akong kinakabahan pero mas nangingibabaw sa'kin ang saya.


“Here's your med. Don't forget to visit me every month din, okay? Kailangan nating icheck ang baby sa loob mo. Asahan mo din ang pagiging mas sensitive dahil mas mahirap ang pagbubuntis ng mga kagaya mo.” May mga inabot siyang gamot.


Tumayo naman ako at bahagyang ngumiti sa kan'ya. Naramdaman ko din ang paglapit sa'kin ni Clea. “Thank you po.”


Ngumiti din s'ya pabalik. “Don't be scared ha? Blessing ang pagkakaroon ng baby at blessing ang mga katulad mo.”


“Opo,”


May mga pinaalala pa s'ya bago kami tuluyang umalis ni Clea. Kinakabahan pa rin ako pero hindi ko na iyon gaanong pinansin. Tinago ko din sa bag ko ang mga dala kong papel, pt at gamot.


Unexpected Desire (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon