𝙍𝙮𝙪𝙪
𝖢𝖮𝖬𝖯𝖤𝖳𝖨𝖳𝖨𝖮𝖭 𝖣𝖠𝖸 1
“Okay guys, calm down okay? We can do this. Just focus on our goal and stay calm." Nanlalamig na ang mga kamay ko dahil sa labis na nerbyos, sino bang hindi kakabahan kung ito na ang araw na ipapakita niyo sa maraming tao ang pinratice niyo ng halos isang buwan?
Natatakot din ako na baka mamaya ay mamali ako ng steps, malito at hindi makasabay sa mga kasamahan ko kapag nag start na kami.
“Hey, you okay?" Napatingin naman ako kay VP Yvan. Umiling naman ako 'saka inayos ang suot ko. It's a gray hoodie pero ang nasa loob ay white t–shirt, may tatak iyon ng university namin. Mayroon din kaming sumbrero na kulay black, hindi ko nga alam kung anong trip ni Pres. Clea.
“A bit nervous."
Tinapik naman niya ang balikat ko 'saka inayos ang buhok na bahagyang bumabagsak sa mukha ko. “Okay lang 'yan, masasanay at mage–enjoy ka din, for sure."
“Mmh, sana nga." Kinausap pa niya ako saglit bago siya lumapit sa ibang kasamahan namin. Naka palda ang mga girls habang long sleeve na kulay ang white ang suot nila, may tatak din iyon ng university namin.
Napatingin ako sa cellphone ko, hoping na may matanggap ulit na mensahe. Napasimangot nalang ako habang pinagmamasdan ang huling message sa'kin nung dalawa.
𝖫𝖾𝗑𝗎𝗌 𝖤𝗏𝖺𝗇𝗌.
𝖦𝗈𝗈𝖽 𝗆𝗈𝗋𝗇𝗂𝗇𝗀, 𝗁𝗈𝗇.
𝖦𝗈𝗈𝖽𝗅𝗎𝖼𝗄! 𝗌𝖾𝖾 𝗒𝗈𝗎 𝗍𝗈𝗆.
𝖦𝖺𝗏𝗂𝗇 𝖬𝗈𝗇𝗍𝖾𝗏𝗂𝗈.
𝖦𝗈𝗈𝖽𝗅𝗎𝖼𝗄, 𝖻𝖺𝖻𝖾! 𝗒𝗈𝗎 𝖼𝖺𝗇 𝖽𝗈 𝗂𝗍, I 𝗅𝗈𝗏𝖾 𝗒𝗈𝗎.
Hindi daw kasi sila makakauwi ngayon dahil sa inaasikaso nilang business partnership, ayos lang naman sa'kin dahil mahalaga ang bagay na 'yon para sa kanila.
Nandito na din daw sila mommy pati si Kuya. Maging si Rosh ay sinama din nila, wala naman siyang pasok kaya okay lang. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
“Hello, Ryuu! Good morning." Napatingin naman ako kay Clea 'saka ngumiti.
“Good morning."
“Ok's ka lang? We can do it!"
Tumango naman ako. “Yep!"
Mas lalo siyang ngumiti habang nakatingin sa'kin. Napakunot naman ang noo ko. “Nandito ba si Danielle?" Tanong niya. Mahina naman akong napatawa.
Tumango ako. “Yes, nasa labas na siya."
“Oh my gosh! Seryoso ba? Hindi ako masyadong nakapag prepare!" Tili niya 'saka inayos pa ang buhok niya, inipit niya iyon sa likod ng kan'yang tainga, maya maya pa kasi dadating ang mag aayos sa buhok nila. Maaga pa naman kaya madami pa kaming oras para mag prepare.
“Mh, kasama niya sila mom."
“Really? I want to meet your mom, I mean, sino bang hindi right? She will be my mother-in-law soon." Aniya habang malawak ang ngiti, nangungusap pa ang mga mata niya.
Napatawa naman ako. Gan'yan talaga ang ugali niya pero totoo at mabait siya hindi lang sa'kin. Tini–treat niya kaming mga members na parang kaibigan niya kaya hindi kami natatakot na sumubok sa mga gusto namin lalo na sa dance.
Kung magugustuhan din naman siya ni Kuya ay wala akong tutol. Mabait si Clea, alam kong magkakasundo sila ni Kuya at magiging better girlfriend siya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Desire (On Going)
Novela JuvenilABOUT Yophiel Ryuu De Viste is a 19 years old boy. A simple and soft kind of man. Studying BS Accountancy, 2nd year college. Ryuu grew up in a well -known clan in the Philippines. De Viste's group of companies. But dreamed of being a successful by h...