SIMULA

32.2K 420 36
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the permission of the author.

//STAND ALONE//

MY FIANCÉ IS NOT JUST A PLAYBOY
written by: JonalynYan

_____________________

Kanina pa ako hindi mapakali. Isang linggo pa lang simula no’ng nagsimula ang klase, pero may mga ilang reports na akong gagawin for the next weeks. Breaktime na at hinahanap ko si Devyn, ang bestfriend ko. Nasa College of Arts and Science building siya dahil psychology ang kinuha niya. Ako kasi ay Bachelor of  Secondary Education.

Nakatalikod siya sa ‘kin, kaya hindi niya ako napansin. Napahinto ako nang may kausap pala siya. He’s a tall guy, hanggang balikat niya lang si Devyn. Malayo pa lang ay agaw-atensyon na siya. Lahat ng mga mata ay nagmamasid sa kanila lalo na sa lalaki. He’s wearing white shirt, trousers, and white shoes. May sunglass din na nakasabit sa shirt niya.

Nang tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa ‘kin. I raised my left brow at him. Mukhang hindi niya ‘yon napansin dahil wala siyang reaksyon at napako lang ang tingin sa ‘kin.

Nang humarap sa gawi ko si Devyn ay kumaway ako sa kaniya. Ngumiti siya sa ‘kin. “Halika, Sabrina!” tawag niya sa ‘kin. Marahan akong lumapit sa kaniya at tumabi.

“Ano ‘yon? Kakain na tayo?” tanong ko. Sabay kasi kami lagi kapag lumalabas ng university. Minsan ay dumadaan pa kami sa isang kainan para doon magtanghalian.

Ngumiti siya at hinawakan ako sa may braso. “Sabrina, si Amadeus nga pala...” Humarap siya sa lalaki. “Amadeus, si Sabrina nga pala. Bestfriend ko siya.”

Napatingin ako sa lalaki at nagsalubong ang tingin naming dalawa. Hanggang baba niya lang ang height ko. Ang tangkad naman ng lalaking ‘to.

“H–hi,” nauutal niya pang bati at ngumiti. Hindi ko iyon pinansin at tumingin kay Devyn.

“Ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ko sa kaniya.

“Gurl, boyfriend na ‘yan.”

Tumingin ako sa Amadeus mula ulo hanggang paa. “Hindi ko siya type.” Ibinalik ko ang tingin kay Devyn at halos mapanganga siya sa sinabi ko. “Bakit?”

“Isang Amadeus ang tinatanggihan mo?”

“Hindi ko siya kilala,” diretso kong sabi.

Natatawa siyang tumingin kay Amadeus.

“Oh sige. Iwan ko muna kayo,” aniya. Taka ko siyang tiningnan.

“Hindi tayo kakain?” tanong ko pa. Ngumiti at tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso ko.

“May dadaanan si Jet, gusto mo bang sumama?” tanong niya.

Kapag sinabing dadaanan. Dadaanan nila ‘yong professor na pinakamasungit sa university. Baka mamaya ay madamay pa ako. Hindi talaga ako sumasama sa kanila kapag gano’n. Ang ginagawa ko ay hindi talaga ako sasama sa kanila at kakain na lang ako mag-isa.

“Seryoso ka ba?” bulong ko. Tumango naman siya tumakbo na palayo. Napatingin naman ako sa lalaki. I sighed. “Hindi ako interesado sa’yo,” ani ko pa.

“I’m not interested on you either. I like Devyn, but she doesn’t like me.”

“Haa! Buti nga sa ‘yo. Mukha ka pa namang hambog,” pagtataray ko pa. Akma na akong aalis nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

“Is that true that Devyn has a boyfriend?” Tumango ako at inalis ang pagkakahawak niya. “How about you?”

“Huh?” Kumunot ang noo ko. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa tote bag ko, it was design by me at si mommy ang nagtahi skl.

Inayos niya ang pagkakahawi ng buhok niya. “How about you? You have a boyfriend?”

“Hindi mo na kailangang malaman. Hindi ka rin naman interesado sa buhay ko,” tugon ko at aalis na.

Sinabayan niya ako sa paglalakad, kaya inis ko siyang tiningnan. “Ano na naman?”

“Sina Devyn ba? Ilang taon na sila?”

“4 years na...” Marahan ko siyang tinulak sa braso dahil ang lapit na niya sa ‘kin. “Lumayo ka nga. Hindi naman tayo close.”

“You don’t know me?”

“Hindi. Sino ka ba?” tanong ko pa at inunahan siya sa paglalakad. Nakasunod pa rin siya dahil ang haba ng biyas niya.

“Where are you going? Bakit nagmamadali ka?”

“Next class.” Lumiko na ako sa building at hindi na siya pinagsalita pa.

Feeling close eh hindi ko naman kilala ‘yon. Isa pa, sino ba naman siya para makipag-usap sa ‘kin. I’m not comfortable with that. I used to be introvert at ang matagal ko lang na kinakausap ay si Devyn o hindi kaya si Jet, her boyfriend.

Sobrang weird ng Amadeus na ‘yon. Ah basta naiinis ako sa presensya niya!

__________________________________________________
__________________________
✓JonalynYan

Let’s start their love story begin...

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon