Amadeus POV
“Ha? A–ano’ng ibig mong sabihin? Nahihibang ka na ba talaga?!”
Cute. Mukhang inis na inis na naman siya sa ‘kin. Gusto ko talaga kapag nakikita ko siyang mainis. Ang satisfying tingnan.
“Chill. Agree with that, swerte mo na nga at ako pa ang magiging fiancé mo...”
Umiling siya at sarkastikong tumawa. “Yuck! Hindi naman kita gusto. Saka alam mo kung gusto mo ‘ko, p'wede mo namang aminin, pero hindi pa rin kita ieentertain...” Nagpupumiglas siya sa pagkakatali sa kaniya. “Pakawalan mo na ako, walang hiya ka!”
Kitang-kita ko ang inis niya dahil sa paraan palang nang pagtingin niya sa ‘kin. Mga mata niyang nakakatakot, pero sa kabilang banda ay natutuwa ako. No... Hindi ‘to p'wede. Nandito kami, to convince her na maging fiancée ko.
“Just answer me yes or yes, Sabrina...”
Mabilis siyang umiling at sarkastikong tumawa. “Wala sa choices ang sagot ko. Saka isa pa, bakit ba ako ang pinupuntirya mo? Ang dami kayang babae riyang nagkakandarapa sa ‘yo!”
“And so? Ikaw ba, hindi?” Tinarayan niya ako at binigyan nang tingin na akala mo kasuka-suka ako.
“Hindi kasi pangit ang taste ko, hindi ako katulad nila,” tugon niya.
I scoffed in disbelief. “Sinasabi mo bang pangit ako?”
“Oo!”
“Hoy! Ano bang sinasabi mo riyan! Ang kapal mo, ah,” naiinis ko nang sabi. She just raised her eyebrows and averted her gaze.
Inis akong lumabas sa may garden at nakita ko ang mga kaibigan kong nagtatawanan. “Tangsna, hindi naman ako pangit, ah. Dami ngang nagkakandarapa sa ‘kin,” bulong ko sa ‘king sarili.
“Sinong kausap mo riyan?” tanong ni Bastian. Napatingin ako sa kaniya at nakatingin na rin pala sa ‘kin ang iba pang tropa.
“King ina, sinabihan ba naman akong pangit? Sa mukha kong ‘to?!” hindi ko makapaniwalang sabi. Nagtawanan sila, inis na inis akong sinamaan sila ng tingin. “Ano bang nakakatawa?”
“Hulaan namin, hindi mo pa napapayag, ‘no?”
“Paanong papayag? Binabara ako lagi. Nakakainis.”
Tiningnan ko ang relo ko at alas-quatro na pala ng hapon. Pumasok ako ulit at nakita ko ang babae na nakayuko sa kinauupuan niya. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya.
“Hoy! Gumising ka nga!” Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin at namumungay pa ang mga mata niya.
“Inaantok na ako, Amadeus. P'wede na ba akong umuwi?” nagmamakaawa niyang sabi. Kahit papaano ay nakaramdam ako nang pagkaawa sa kaniya. Halata na ang pagod niya at humihikab pa.
“P–paano ‘yong proposal ko?”
“Hindi pa rin ako pumapayag. No boyfriend since birth nga ako, e. Tapos ikaw? Isang proposal lang, kasalan agad? Ano ka, gold?”
Does she have never involved in a relationship? So, ibig sabihin kapag nagpakasal siya sa ‘kin, I'm her first boyfriend at hindi lang boyfriend, asawa pa. Fake nga lang.
“Dali na, Amadeus. Inaantok na talaga ako.”
“Pumayag ka muna.”
“Ayoko!”
“Pumayag ka na!”
“Ayoko pa rin!”
“Bilis na!”
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
General Fiction|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...