Sabrina POV
Kinuha ni Amadeus ang cellphone niya at ngumiti sa ‘kin. He kissed me on my left cheek and stood up. Sinagot niya ang tawag at pumunta sa may balkonahe. Nang makalayo siya ay kakaibang kaba ang naramdaman ko. I bit my lower lip and cover my face using my hands.
Oh my God! Ano ‘yon? B–bakit niya ako hinalikan? That was so intense, and my first time. Gusto niya ba ako? Wha! First time ko ‘yon! Ngayon ko lang din naranasan ang gano’ng halik. Nakakaloka talaga si Amadeus.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang small purse at cellphone ko. Sana free ngayon si Devyn. I just want to ask something about these actions from Amadeus.
Nakita kong may kausap pa rin si Amadeus, lalagpasan ko na sana kung nasaan siya nang tumingin siya sa gawi ko. I’m wearing pajama and loose shirt.
Nakita ko kung paano niya ibaba ang phone niya. “Where are you going?” tanong niya.
“Lalabas lang ako.”
“It’s already past 7...” Tumingin siya sa cellphone niya at inilapit ‘yon sa tainga niya. “We can talk about this tomorrow,” sabi niya sa kausap niya at pinatay ang tawag. “Nagugutom ka ba? You want to eat something?”
Ano bang idadahilan ko? Mamaya ko pa sana tatawagan si Devyn. Kung busy man siya ay sa labas lang muna ako magpapahangin. I was out of words with his stares, wanting for my answers.
“Sabrina,” pagtawag niya ulit sa ‘kin. I blinked and smiled at him. “Makikipagkita ka ba kay Cace?” may iritado niyang tanong. “N–no! Bakit ko naman gagawin ‘yon?” I panickly asked.
He walks towards me, so I need to walk backward. “Let’s sleep, Sabrina,” aniya. Hinawakan niya ang kamay ko, pero binawi ko kaagad ‘yon.
“Dito muna ako,” ani ko.
“‘Wag ka nang lalabas, ah,” bilin niya. “Maliligo muna ako.”
Tumango at siya naman ay dumiretso na sa kwarto. Nang maisara niya na ang pinto ay dumiretso ako sa balcony at dinial ang number ni Devyn.
Devyn calling...
Kaagad niya namang sinagot ‘yon matapos ang ilang ring.
“Oh, girl napatawag ka?” tanong niya sa kabilang linya. Mukhang nasa cr pa siya dahil may agos ng tubig.
“May itatanong lang sana ako.”
“Go, girl spill it...” Tumawa pa ito. “About ‘to kay Amadeus, ‘no?”
I saw the stars glittering in the sky, also the city lights and buildings towering. Ang ganda nila. Ibinalik ko ang atensyon sa cellphone ko.
“Oo, e. Ano bang ibig sabihin kapag hinalikan ka ng lalaki?”
Narinig ko ang pagsara niya ng tubig. Tumili ito, kaya inilayo ko ang cellphone mula sa tainga ko. “Seryoso? Hinalikan ka ni Amadeus?”
“W–wala n–naman akong sina—” Tumawa ito sa kabilang linya, kaya napahinto ako.
“Hindi ka naman magtatanong kung hindi n’yo ginawa. Ano? Mesherep be?”
Napailing na lang ako sa tanong ni Devyn at halos mag-akyatan na ang dugo ko sa hiya dahil sa kabang nararamdaman ko.
“Hoy! Natahimik ka na...” Tumawa ito nang malakas at nagtitili-tili. “Ghorl, magkita tayo bukas. Spill the tea at doon ko sasabihin.”
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
General Fiction|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...