Sabrina POV
Nagising ako na parang may umaalog sa balikat ko. “Mommy, wake up.” Naririnig ko ang matinis na boses ng anak ko. Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang anak kong malawak ang ngiti, ngunit kita ko sa kaniyang mga mata ang lungkot. “Morning, mommy.”
Inilibot ko ang tingin ko at wala si Amadeus dito.“Si daddy mo nasaan na?” tanong ko.
“He left earlier this morning.”
Nangunot naman ang noo ko at iniupo siya sa may mga hita ko. Niyakap niya ako at sumandal sa dibdib ko. Niyakap ko siya pabalik at maya-maya pa ay narinig ko na ang paghikbi niya.
“Bakit umiiyak ang baby ko?” marahan kong tanong.
“Daddy will leave us for months,” paliwanag niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“What do you mean?”
Mas isiniksik niya ang ulo niya sa may dibdib ko at mas lalong umiyak. Hinaplos ko ang buhok niya maging ang likuran niya.
Narinig ko ang katok mula sa pintuan at ang anak ko naman ay lumingon bigla. “Pasok!” sigaw ko.
Pumasok si Bastian habang dala-dala ang hindi ko maipaliwanag niyang ekspresyon. “Ready na po ang private plane papunta sa may Lome Island, miss Sabrina.”
“Huh? Isla? Anong meron?” tanong ko.
“Mas safe kayo roon.”
“Ano bang nangyayari?” naguguluhan kong tanong. Bakit kasi hindi nila sabihin ng diretso sa akin? Bakit ba ang hirap sabihin?
“Miss Sabrina, ipapaliwanag namin kapag nando’n na kayo. As of now, please listen to us. Don’t worry about your parents, they are safe.”
Hindi ako nakakuha ng sagot kahit isa dahil nagmamadali silang kuhain ang mga gamit namin. Karga-karga ko ang anak ko ngayon at pababa na kami ng small yacht.
This is a private Island. Hindi ko alam na pagmamay-ari pala ito ng mga Zuecia or ni Amadeus rather.
“Mommy, daddy is in danger,” bulong sa akin ng anak ko. Tumingin ako sa kaniya at inayos nang pagkakarga.
“What do you mean, baby?”
“He’s going to a war. We’re in danger, so that’s why we’re here to protect ourselves. The opposite palace might catch us,” bulong nito sa akin.
May alam ang anak ko, pero ako wala? Bakit kasi ayaw ipaliwanag nina Bastian ang tungkol sa pinuntahan ni Amadeus? Asawa naman ako at higit sa lahat may pamilya na kami. Bakit kailangan pa nilang itago sa akin?
Mas humigpit ang hawak ng anak ko sa akin at nakasiksik na ang ulo niya sa may leeg ko. “Mommy, I’m scared.”
Naglakad na kami patungo sa isang villa house na nakatayo mismo rito sa island. “Bastian, p’wede n’yo bang sabihin sa akin kung ano’ng nangyayari?” tanong ko kay Bastian na nasa tabi ko. Si Sage lang ang kasama niya at wala si Adalric.
“Hindi pa p’wede, Miss Sabrina.”
I rolled my eyes. Maa hinigpitan ko na lang ang yakap sa anak ko. Sobra siyang natatakot sa mga nangyayari. “Shh, baby nandito si mommy, okay?”
“Mom...” Narinig ko ang paghikbi niya. “Daddy’s in danger.”
Nang makapasok kami sa villa ay pinasok ko kaagad si Dion sa isang kwarto. Inilapag ko siya sa kama at nagsisimula na siyang umiyak. “Baby, tell me what happened to your dad for the past years.”
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
Genel Kurgu|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...