Dedicated to: Lander, Eitzzy, Soleil, Bev, and Rica. Thank you for choosing the name of Sabrina and Amadeus child on Facebook;)
________________________
Sabrina POV
It’s been 6 months and I’m 7 month pregnant.
Hinaplos ko ang tiyan ko at kitang-kita na ang pag-umbok nito.
Nakatanaw ako sa labas ng bahay namin dito sa probinsya nina mama. Dito lumaki si mama, at ngayon ay nandito kami, pero sa probinsya ni papa ako ipinanganak.
Naalala ko ‘yong ginawang pagtakas ko sa bahay namin ni Amadeus noon. Ilang araw siyang nawala no’ng mga panahon na ‘yon, at bantay sarado ako ng dalawa dahil ayaw ni Amadeus na umalis ako sa bahay dahil alam niyang hindi na ako babalik.
Throwback...
Nakaligpit na ang mga gamit ko at wala rito si Amadeus. Alas-dose na at nagdahan-dahan ako sa paglabas ng pintuan. Bitbit ko ang mga ilang gamit ko.
Paglabas ko ay wala ang dalawa. Mukhang nasa kwarto iyon at natutulog na ang mga ‘yon. Sa likod bahay ako dumaan para hindi nila ako agad mapansin.
Ayoko na rito... Hindi na ‘to maganda para sa ‘kin. Para sa baby ko.
Mabuti na lang at may taxi na nag-aabang sa may daan. Nagpahatid na rin ako sa bahay nina mama. Halos hindi nga matigil ang mga luha ko.
“Ayos lang po kayo, ma’am?” tanong ng driver. Ngumiti ako at nagpunas ng luha. “Ayos lang po,” tugon ko.
“Malalagpasan n’yo rin po ‘yang problema n’yo, ma’am.”
I chuckled and nodded. “Salamat po, sir.”
Nang makababa ako ay sarado na ang bahay at patay na ang mga ilaw. Nag-doorbell ako sa may gate, at maya-maya rin ay bumukas ang pinto.
Si papa ang unang bumungad at sumilip si mama. Nagmamadali silang lumapit sa ‘kin. Nang makita nilang umiiyak ako ay binuksan nila kaagad ang gate at mahigpit akong niyakap.
“M–ma, p–pa... a–ayoko na rito,” pag-iyak ko at niyakap sila nang mahigpit. “Ma, ayoko munang m–makita si Amadeus.”
Nang makapasok kami sa bahay ay iknwento ko sa kanila ang mga bagay na dapat kong ipaliwanag. Isa na lang ang hindi ko nasasabi.
“Ma, Pa, may dapat pa po kayong malaman...” Yumuko at pinaglaruan ang mga kuko ko sa kamay ko. “B–buntis po a–ako.”
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanila. Nagkatitigan silang dalawa at halos matahimik na. Tumingin sa ‘kin si papa at binigyan ako ng seryosong tingin. “Alam ba ‘to ni Amadeus?”
Umiling ako at napakagat-labi. “H–hindi po, pa. A–ayaw ko pong sabihin.”
End of throwback...
No’ng una ay ayaw pa nilang pumayag, pero sinabi ko sa kanila ang tunay na dahilan kung bakit kami nag-away at kung bakit ako umalis.
Napatingin ako sa tiyan ko. Dalawang buwan na lang at manganganak na ako. Dito ko balak ipanganak ang anak ko. Hindi na rin ako nakahabol sa board exam dahil ayokong ma-stress at hindi ko kayang mag-aral dahil marami akong iniisip.
“Anak, pumasok ka na. Malamok diyan,” sabi ni mama. Ngumiti ito at inalalayan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa may mini terrace rito sa tapat. “Hindi naman ba malikot si baby?” tanong ni mama. Ngumiti ako at umiling.
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
General Fiction|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...