11

6.7K 196 40
                                    

Sabrina POV

“Hayaan na lang muna natin siya. May kinakausap pa, e.”

“He’s looking for you, kanina pa. Akala niya, hindi ka na darating,” aniya.

Lumapit sa ‘min si Amadeus na seryoso ang mukha. Matalim siyang nakatingin sa ‘kin. “Iwan mo muna kami, Adalric,” aniya, pero hindi pa rin nawawala ang paningin sa ‘kin.

Nakipagtitigan din ako sa kaniya. “Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay.”

“Nag-bake pa ako. Hinintay ko pang lumamig,” sabi ko at inangat ang dala kong kahon. Nakita ko kung paano magbago ang itsura niya.

“Iyon lang? Nasaan ang regalo ko?” pagtataray niya pa at humalukipkip. Napayuko naman ako dahil wala naman akong regalo at itong tanging cake lang ang dala ko. Daig pa nito babae sa kaartehan, e. Napatingala ako sa kaniya nang kaunti at nagsalubong ang tingin namin. “Naghihintay ako.”

Itinuro niya ang pisngi niya at bahagyang ngumuso. Naintindihan ko na kaagad ang gusto niyang sabihin. Napatingin ako sa paligid at ang ilan ay nakamasid sa ‘min. Nahihiya ako dahil medyo marami ang tao ngayon.

“A–amadeus, maraming tao,” nahihiya kong bulong. He chuckled. “Sa pisngi lang naman ‘yon,” pang-aasar niya pa. Mas lalo ko lang naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

Kinuha niya ang dala kong kahon at inabot ‘yon sa isang server. “Bring that in my room, please.”

Tumango ang server at kinuha ang kahon ng cake. Napalunok ako nang tumingin sa ‘kin ulit si Amadeus. He lean and side his face. Hahalikan ko na sana siya sa pisngi nang bigla siyang humarap kaya ngayon sobrang lapit na ng mukha namin sa isa’t-isa!

Napatingin siya sa labi ko, I bit my lower lip and gulp. Naramdaman ko na lang bigla nang may tumulak sa ‘kin! Napapikit ako at maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang malambot na bagay sa labi ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Amadeus na nasa ilalim ko at... we kissed

My first kiss...

His soft lips on mine....

No way....

No!

Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. We both shocked, pero isa lang ang naisip kong gawin ang tumayo! Nang makatayo ako ay natagalan pa si Amadeus bago tumayo. Nagkatitigan pa kami bago nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa.

Nang makatayo siya ay hinila niya ako kung saan. Hanggang sa makarating kami sa loob ng mansiyon nila bago dumiretso sa likod. Mayroong secret garden at may isang bench.

Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya dahil sa sobrang kahihiyan. I can’t look at him in this state. I was shock at all. Hindi makapaniwalang nakuha niya kaagad ang first kiss ko! Wala na!

“Sabrina,” he softly called at me. “Sabrina, look I’m sorry.”

“W–wala ‘yon!” Alanganin akong tumawa. “Saka, may tumulak sa ‘kin, e. Sorry rin.”

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. “Gusto kong malaman ngayon ang desisyon mo.”

I gulp and smiled. Kung papayag ako, kaya kong pigilan ang sarili ko. Kaya kong hindi mahulog sa kaniya. Siguro naman ay ilang linggo or buwan lang ang itatagal nito and that’s all.

Naupo ako ulit sa bench at diretsong tumingin sa kaniya. “Sasabihin mo ba sa ‘kin ang dahilan kung bakit mo ‘ko gustong maging fiancée?” Tumango ito. “Okay. I trust you.”

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon