Sabrina POV
Nagising ako sa sakit na nararamdaman ko sa ibaba. Inalog ko si Amadeus na nasa tabi ko at nakadapa habang tulog pero nakaharap sa ‘kin ang ulo niya.
Halos mamula na naman ang mukha ko nang maalala ang ginawa namin kagabi. “Bakit, baby?” malambing niyang tanong habang nakapikit pa rin.
“M–masakit,” sambit ko. Napaupo siya sa kama at hinaplos ang mukha ko.
“Just wait me here,” sabi niya. Tumayo ito at nakita ko ang ibaba niyang maumbok. Napatakip ako ng mukha ko dahil sa pamumula ng mukha ko.
“Nahihiya ang baby ko. Parang hindi nakita kagabi,” rinig kong sabi niya.
“M–magbihis ka na!” bulyaw ko. Narinig ko ang paghalakhak niya at pagbukas ng pinto ng banyo. Maya-maya pa ay narinig ko ang agos ng tubig.
Hindi na ako makatayo dahil medyo masakit! Parang may napunit sa loob ko. Lumabas si Amadeus mula sa banyo na may suot ng bathrobe. Lumapit siya sa ‘kin at humalik sa noo ko.
Dahan-dahan niya akong binuhat na pa-bridal style. Napakapit ako sa leeg niya.
Napatitig ako sa mukha ni Amadeus. Ang g’wapo talaga ng asawa ko. Kilay pa lang palaban na sa kapal. His eyes shining like a star, sa akin pala in love ang lalaking ‘to. His pointed nose, and his heart shape pinkish lips. Akin na ‘to wala nang aagaw.
Ang buhok niya ay may ilang pirasong nalalaglag sa kaniyang noo. Ang hot! Napatingin siya sa ‘kin at malawak ang kaniyang ngiti. “Naglilihi ka na ba, baby?”
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Baliw! Eh hindi pa naman ako buntis.”
“Sure na akong meron ’yan,” aniya bago ako ilapag sa may bathtub. “Grabe ka makatitig, kamukhang-kamukha ko na ang anak natin for sure.”
Naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko dahil sa paglubog ko sa maligamgam na tubig. “Wala ka bang duty ngayon?”
Monday ngayon at alam kong may duty siya. Umiling ito at hinaplos ang buhok ko. “Nag-leave ako for 1 day.”
Nagpaalam na rin siyang lalabas muna ng kwarto para magluto at babalik na lang siya mamaya para tawagin ako. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko at naligo na rin ako pagkatapos. Nagsuot lang ako ng loose shirt at short.
Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay pumasok si Amadeus. “Are you done?” tanong niya, kaya tumango ako. Lumapit siya sa ‘kin at kinuha mula sa kamay ko ang hair dryer.
Siya na ang nagpatuyo, kaya napangiti ako nang bahagya. “Amadeus,” tawag ko sa kaniya. I saw his reflection looking at me.
“Hmm?”
“Ano na pa lang plano mo about your child?”
“For our chi—”
“I mean your child with—” He kissed the top of my head.
“I told you, baby. Ginagawan ko ng paraan to know the truth.” Tumango ako at pilit na ngumiti.
Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa amin kapag nalaman kong may anak na nga siya sa iba. And worst, in span of being together, at kung doon may nangyari sa kanila.
“Don’t think too much about it, baby. Ako nang bahala ro’n. Just trust me.”
Weeks passed...
Hindi pa ako dinadatnan, lagpas isang buwan na at malakas na ang kutob ko. Kailangan ko munang magpa-check up. Si Amadeus ay naging busy sa mga sumunod na linggo dahil sa duty niya. Minsan nga ay gabi na siya nakakauwi at maaga naman siyang umaalis, kaya minsan ay wala siyang oras. Iniintindi ko na lang dahil alam kong trabaho naman niya ‘yon at hindi dapat sumama ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
General Fiction|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...