29

8.2K 210 36
                                    

Amadeus POV

Hours became days, days became weeks, and weeks became months. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matagpuan ang asawa ko. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Ilang buwan na akong lugmok sa bahay at sinesante na ako sa trabaho dahil sa ilang beses na pag-absent. I don’t care, I just need my wife.

I’m currently sitting on the couch and sobbing. I’m still holding the bottle of liquor. As I see the clock, it’s already 6 in the morning. I haven't slept because I can’t sleep thinking that my wife isn’t here.

Bumukas ang pinto at napatingin ako roon. “Anaknampucha naman, master. Tumayo ka na nga riyan at linisin mo na ang sarili mo. Hindi matutuwa sa ‘yo si Sabrina kapag ganiyan ang itsura mo,” bulyaw ni Bastian.

“She’s not here. S–she left me.”

Pilit nilang kinuha ang alak na nasa kamay ko. Hindi naman sila nabigo dahil nakuha nila iyon at dinala sa kusina. Nilinis din nila ang sala ko.

“Ahh ang baho mo! Maligo ka na nga, Master,” dagdag ni Sage. I smelled my shirt. Amoy alak lang naman, kaartehan ng mga ‘to. Tatlo silang nasa tapat ng couch at nakatingin sa akin. “Kapag nakita ka ba ni Sabrina na ganiyan ang itsura at amoy mo, magugustuhan ka pa?” pang-aalaska ni Adalric.

“I told y—”

“We found her,” sabay-sabay nilang sabi. Napaayos ako bigla ng tayo at parang nawala bigla ang pagkalasing ko.

“Hmm? Where? Pupuntahan ko siya,” ani ko at tumayo.

“Hindi namin sasabihin hangga’t wala kang sapat na tulog at hindi ka pa naliligo. Ang pangit naman kung haharap ka roon ng lasing. Master naman, bad shot kapag gan’on,” paliwanag ni Sage.

“I don’t care. I just want to see my wife—”

Bastian stood up. “Ipasok n’yo na ‘yan sa kwarto niya,” he commanded like he’s the boss. I unbelievable looked at him.

“You’re the boss?” I asked jokingly. He tapped my both shoulder.

“You’re wasted. Go get a shower and some rest. Para mukha kang fresh pagharap mo sa asawa mo.”

Wala akong ginawa nang pinagtulungan nila akong ipasok sa loob ng kwarto.

Kinabukasan...
Maaga akong gumising at medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Napatayo ako bigla nang maalala ang plano na gagawin ko ngayong araw. Makikita ko na ang asawa ko!

“Baby, I miss you,” sambit ko sabay tingin sa picture frame ni Sabrina na nasa side table.

Dumiretso ako sa banyo to shower myself. To shower myself. Thereafter, I'm just wearing a white t-shirt and black trouser. Lumabas na ako at naabutan ko ang tatlo na nasa kusina.

“Bakit kumakain pa kayo? Let’s go,” aya ko sa kanila.

“Kumain ka muna,” aya ni Bastian. I raised my brows.

“I’m the boss, Bastian. Let’s go!”

“Hindi namin sasabihin,” sabay-sabay nilang sabi, kaya wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang.

Naisip ko lang baka pinagloloko ako ng tatlo. Baka hindi pa talaga nila nakikita si Sabrina, they’re just said, yes.

“Pinagloloko n’yo ba akong tatlo?” sabay-sabay silang tumingin sa akin.

“Huh?” tanong ni Sage.

I smirk. “Siguraduhin n’yong nakita n’yo na ang asawa ko, ha. I’ll beat you all to death if not.”

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon