9

7.2K 207 13
                                    

Sabrina POV

Today is my first book signing! Grabe hindi ko inexpect na makakapag published din ako ng libro. No’ng una pa nga ay nagda-doubt pa ako kung tatapusin ko ba o hindi. Dahil ang meron ding negative comments ang lumapag simula no’ng makilala ang libro ko.

Hindi naman maiiwasan, pero mas marami pa rin naman ang positive, at ipinagpasalamat ko ‘yon. I’m just wearing my white crop top, black high waisted jeans and cap. Magma-face mask din ako mamaya. Ayoko pa kasi talagang magpakilala sa kanila. I still want to have a good and peaceful life.

Nandito ako sa back stage at hinihintay na lang na tawagin ng organizer. Kinakabahan din naman ako.

“Miss Sabmei, tara na po.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at isinuot ang face mask.

Rinig ko ang palakpakan ng mga pumunta ngayong book signing ko. “Please welcome our He’s a crown Prince author, Sabmei!”

Hiyawan, sigawan, at palakpakan ang maririnig sa lugar nang umakyat ako sa mini stage. Lumapit ako sa host at tumango. Ibinigay niya sa ‘kin ang mic, kinuha ko rin naman kaagad ‘yon, at inilapit sa bibig ko.

“Good morning, my sabbies!” bati ko sa kanila.

“Ang ganda mo, miss Sabmei!”

“Idol ko!”

“Akin na lang po si Zeus!” He’s referring to my male lead.

“Calm down, everyone...” Natawa ako maging sila. “Okay. First of all, salamat po sa pagpunta. Hindi ko inexpect na ganito kayo karami. Second, I’m always thankful that you given a chance my book for this set up. Lastly, I love you all and I hope y’all have a great life. Thank you so much.”

Nagpalakpakan ang lahat. Alam kong gusto nila akong makilala, pero I’m not ready for that. Sapat lang na malaman nila na ako ang author ng He’s a crown Prince at hindi na ang totoo kong pagkatao.

Nagsimula na rin akong pumirma sa mga libro. Ang iba kong readers ay binibigyan pa ako ng regalo, gusto ko mang tanggihan, pero alam kong pinaghirapan din nilang bilhin iyon o gawin.

“Miss Sabmei, maraming salamat po!”

“Ako dapat ang magpasalamat. Thank you for coming,” ani ko at kinamayan siya. Inabot ko rin sa kaniya ang libro na may pirma ko.

Sumunod ay si Devyn. “Fan na fan niyo po ako, pero akin lang si Zeus,” biro niya kaya natawa ako.

“Ako ang gumawa, akin lang siya,” biro ko pabalik at pumirma sa libro.

“Proud ako sa ‘yo!” she exclaimed. “Thank you so much, my bff,” I answered and she smiled.

Hanggang sa matatapos na ang book signing. Medyo napapagod na rin ako, pero kaya pa naman.

“Hi.” I was stunned when I heard familiar voice. “I’m one of your Sabbies...” He leaned. “But, I’m your fiancé too,” he whispered.

Kahit naka mask siya ay kilala ko pa rin siya... Amadeus. For sure, bumili lang siya ng libro, pero hindi niya ‘yon binasa. Kilala ko ‘tong lalaking na ‘to, e. Lakas ng amats nito.

“Thanks for coming,” sarkastiko kong sabi. Kinuha ko ang libro na inaabot niya at pinirmahan ko. Nilagyan ko pa ang small note.

I still hate you! Ibalik mo na ‘yong I.D. ko

Iniabot ko ‘yon sa kaniya at kinuha niya naman kaagad. Nang paalis na sana siya ay lumingon siya ulit sa ‘kin at tinaasan ng kilay. Hindi ko na ‘yon pinansin at itinuon ang tingin sa babaeng kasunod niya.

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon