13

7K 205 39
                                    

Amadeus POV

Sa dami ng babae sa mundo, I—

“Amadeus!” Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin. Nakita kong tumatakbo papalapit si Sabrina habang nakakakunot ang noo at may dalang kahon ng cake. “Oh ayan!”

Pinadulas niya sa mesa ang kahon papalapit sa ‘kin. Humahangos siya at nakalagay ang dalawa niyang kamay sa mga bewang niya.

“Bakit ka kasi tumatakbo? P’wede ka namang maglakad. You look tired.”

“Malamang may klase pa ako! Pinahirapan mo pa akong pumunta rito sa university n’yo. Special ka ba?”

“Bakit?” Naupo siya habang sinisipsip ang hawak niyang juice.

“Hindi ‘yon pick up lines tangeks!” anas niya at tumingin sa malayo.

Natawa ako nang bahagya sa sinabi niyang ‘yon. Kaunting bagay lang na sinasabi niya, tumatawa na ako. Kahit wala namang nakakatawa. Baliw.

“Ihatid mo ‘ko pabalik. Alas dose next class ko.” Tumingin ako sa relo ko at alas-onse na nga. Nakita ko si Bastian na papalapit sa ‘min.

“Uy ang lovebirds...” Tumingin siya kay Sabrina. “Hi, Sabrina. Ano’ng ginagawa mo rito?”

“Papansin kasi ‘yang Master mo. Tinext ba naman ako, at dalhan daw siya ng cake!”

“Huh? Eh mara—” Marahan ko siyang sinipa sa paa, kaya natahimik. Papansin din talaga minsan ‘to si Bastian.

I just want to see her. Ayaw niya akong papuntahin sa university nila, kaya siya ang pinapunta ko.

Tumayo si Sabrina. Napangiti ako nang makita na suot niya pa rin ang singsing na binigay ko. “Teka, bago kita ihatid, isuot mo ‘to sa ‘kin.” Inilabas ko ang maliit na kahon at bumungad doon ang singsing.

“Huh?”

Alam kong gusto niyang mayroon din akong singsing. Sabi ni Adalric sa ‘kin ay napapansin niya si Sabrina ang panay pagsulyap sa kamay ko kapag nagtetraining kami. Training is the way to getting to each other. Tuwing sabado namin ‘yon ginagawa.

Mukhang natulala pa siya dahil hindi makapaniwala. “Ahh...” Kinuha niya ang kahon ng singsing at, kinuha niya ang singsing. Inilapit ko sa kaniya ang kamay ko at nang hawakan niya ‘yon ay naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam.

I lose. I already admitted that I—

“Ayan. Tapos na.”

“Picturan ko kayo dali!” sabi ni Bastian. Inilabas ni Bastian ang cellphone niya at itinutok sa ‘min ang camera. “Tumayo naman kayo tapos pose na rin,” dagdag niya.

Tumayo ako at gano’n din si Sabrina. Nahihiya pa siyang tumabi sa ‘kin, kaya marahan ko siyang hinila palapit. “Taas n’yo ‘yong kamay n’yo to see the rings!”

Itinaas ko ang kamay ko at ngumiti sa camera. Sa ikalawang larawan, tumingin ako kay Sabrina habang nakatingin siya sa camera.

Days passed...
Mukhang mas naging busy si Sabrina dahil sa marami silang gawain sa eskwelahan. Gano’n din naman ako dahil graduating ako. Pero naghahanap ako ng oras para makita siya at madalhan ng paborito niyang mango juice.

Nandito kami sa mall nina Adalric. Ang mga loko may bibilhin daw kasi para sa mga magulang nila. Mabuti naman kung gano’n at hindi na sila gumagastos para sa mga walang kwentang bagay.

Ngayon ay nasa men’s store kami. Bumili lang ako ng isang set ng white, black and grey t-shirts. “Akala namin, hindi ka mahilig sa t-shirt? Mas prefer mo ang shirts, ‘di ba?” tanong ni Bastian.

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon