21

6.7K 205 49
                                    

Sabrina POV

It’s been 6 months since Amadeus confessed. Mas dumoble lang ang sweetness niya sa ‘kin at pagiging caring. Hindi ko pa naaamin ang nararamdaman ko, pero alam kong hulog na hulog na ako sa kaniya. Hindi ko na mapipigilan ang sarili ko.

Amadeus is already graduated student nurse. Nagre-review siya para sa nalalapit na board exam. Kasabay pa rin no’n ang paghahanda para sa kasal namin sa August 10. Kasalukuyan rin akong walang klase dahil bakasyon na.

Sa totoo lang ay nasa Manada na kami at 3 days from now ay ikakasal na kami. Nasa iisang kwarto kami ni Amadeus, pero hindi pa rin kami sa iisang kama. Samantalang sina mama at papa ay nasa kabilang kwarto.

Wala naman sa paniniwala nila na bawal magkita ang bride at groom kapag malapit na ang kasal. Pero sa huling gabi yata ay hindi p’wedeng magsama sa iisang kwarto.

Gabi na at nagbabasa ako ng isang nobela. Nabo-boring kasi ako. Mayroon namang signal, pero ipinagbabawal nila ang gumamit ng gadgets sa loob ng mansiyon, kaya nagbasa na lang ako.

Sakto namang lumabas si Amadeus mula sa banyo. Nakabathrobe ito habang nagpupunas ng kaniyang buhok. “Baby,” he softly called.

Nauna akong mag halfbath sa kaniya kaya malinis na rin ako at nagpapantok na lang. Naramdaman ko ang paglapit niya kaya napatingala ako. He smiled and kissed me on my lips. Hindi na ako nagulat dahil sanay na siyang gawin ‘yan.

Kapag tinatawag niya ako, hahalikan niya ako sa labi o hindi kaya sa noo. “Can we sleep together?” For the nth time, he asked again. I shook my head. “Sabi ko nga, hindi, e.”

Ibinalik ko ang tingin ko sa libro at siya namang pagupo niya sa may kama ko. “Baby, saan mo balak tayo mag-honeymoon?” tanong niya.

“Kahit saan naman. Basta relax tayo roon at masaya.”

Hindi na ako makapag focus sa kadahilanang kung ano nga ba ang mangyayari sa honeymoon namin. Sinabi ko sa kaniya na ayaw ko muna ng bata dahil nag-aaral pa ako. Pumayag naman siya, pero baka mamaya isang haplos lang ni Amadeus ay bumigay na ako.

Pero, may tiwala naman ako kay Amadeus at alam kong sumusunod siya sa napag-usapan na kahit kailan ay hindi niya babaliin ang tiwala na binigay sa kaniya ng mga magulang ko at binigay ko.

“Amadeus, tatapusin ba natin ang kontrata?” tanong ko. I was talking about our contract. Matapos kasi ang 2 years from now ay hindi ko na alam ang mangyayari. Graduate na ako no’ng mga panahon na ‘yon, pero hindi ko alam kung saan na ako lulugar sa buhay ni Amadeus.

“Hindi naman na matutuloy ‘yon. You’re mine now. Am I right, baby?” tanong niya at hinawakan ang libro na binabasa ko at ibinaba ‘yon.

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kaniya. “Ikakasal na tayo and you’re mine forever, baby. Understood?“ I smiled and nodded.

“Amadeus, hindi ka ba natatakot kapag nalaman mo ang nararamdaman ko para sa ‘yo?” tanong ko. Gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan niya ang kamay ko.

Ngumiti ito nang malawak at hinaplos ang kamay ko. “Hindi, baby. Kahit ano pa ‘yang nararamdaman mo. Tanggap ko.”

I gulp and hold his hand too. “Gusto kita, Amadeus.”

In an instant. All over his face written by amusement. “I love you, baby.” He hold my nape and kissed me. He moved his lips and bit my lower lip. It’s last for seconds and let go my lips.

“M–mahal mo na talaga ako?”

“Since day 1.”

I giggle. “Kailan mo pala ako nagustuhan, Amadeus?” tanong ko.

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon