Dedicated to: BinibiningAia thank you for always commenting! Kilig hanggang buto^_^ really appreciated!
___________
Amadeus POV
“You have a child with other woman,” halakhak niyang sabi, kaya mas naguluhan ako sa sinabi niya.
Lumapit ako sa kanila at napahinga nang malalim si Devyn. “Kailangan na niyang umuwi, Amadeus. Kausapin mo siya bukas nang maayos,” sabi niya bago umalis sa kinauupuan niya.
Umupo ako sa tabi ni Sabrina at hinawi ang buhok niya. “Baby, look at me,” I commanded.
She turned gaze on me and she sobs more. “A–yoko na s–shayo. Manloloko ka! M–may anak k–ka sha i–iba,” humihikbi niyang sabi.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Paano ako magkakaroon ng anak sa iba? Never pa akong nakipag-s*x kahit kanino. I’ve never experience that. Paano mangyayari ‘yon?
“Bukas na tayo mag-uusap, okay?” Hinawi ko ang buhok niya at marahang itinali. Ibinaba ko ang hawak niyang bote sa mesa at hinarap siyang muli. “Wala akong anak, Sabrina. Sa ‘yo lang ako magkakaanak,” I assured her.
I hugged her tightly. Kung sino man ang nagsabi sa kaniya ng kasinungalingan. I will beat them to death. Sinasaktan nila ang asawa ko sa mga kasinungalingan nila.
Nararamdaman ko ang pagtulak niya, kaya napalayo ako sa kaniya. Namumungay na ang kaniyang mga mata at halos mamula na ang mukha dahil sa kalasingan niya.
“We’re going home, baby.” Hinawakan ko ang braso niya, pero iniiwas niya ang kamay ko.
“A–ayoko... A–ayokong uwuwi. Kina mama ako,” sambit niya, pero umiling ako. Mas malapit ang bahay namin dito kaysa sa bahay ng mga magulang niya.
“It’s already night, Sabrina. Kailangan mo nang magpahinga.”
Naupo na naman siya sa sofa at nagsimula na namang umiyak. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at patuloy na pinupunasan ang mga luha niya.
“Shush, Sabrina. Ano bang sinabi nila sa ‘yo?” Tumingin siya sa ‘kin at halos manghina na ako sa tingin niyang nakakasakit. Wala ba siyang tiwala sa ‘kin?
“Bakit hindi mo tanungin ‘yong babae mo?”
Tumayo ito, pero kaagad ko siyang hinila pabalik at naupo siya sa mga hita ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya.
“Wala akong babae, Sabrina... Ikaw lang mahal ko,” bulong ko at hinalikan siya sa pisngi. Tumingin siya sa ‘kin at napadapo ang tingin ko sa mga labi niya.
Hindi ko mapigilang ilapat ang labi ko sa mga labi niya. I can taste the liquor from her mouth but it didn’t stop me to kissed her deeply.
Nang maramdaman kong hindi siya tumitugon, binitawan ko ang labi niya at diretsong tumingin sa mga mata niya.
“Ikaw lang ang mamahalin ko, Sabrina,” bulong ko.
Umaga na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ng asawa ko. She’s still mad at me. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kaniya tungkol sa isyung hindi ko alam.
Kinuha ko ang cellphone sa may side table at pumunta sa may balcony. “Adalric, alamin mo kung sino ‘yong mga nakausap ni Sabrina kahapon,” sambit ko.
“Master naman, ang hirap ng pinapagawa mo,” reklamo niya sa kabilang linya at mukhang kagigising lang.
“I’ll pay for your hotel room for one week.”
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
General Fiction|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...