Amadeus POV
“Hello, mom?” sagot ko sa cellphone nang makalabas ako sa Deus room.
“Where are you? Na-convince mo na ba? Dapat sa January ay makilala ko na siya,” aniya sa kabilang linya. I caressed my forehead.
“I’m trying my best, mom. Don’t worry, I’ll get her on time.”
“Make sure, Amadeus. Alam mo na ang mangyayari sa ‘yo kapag hindi ka pa nagpakasal.”
“Y–yes, mom.” Pinatay na niya ang tawag.
Nahirapan nga akong kumbisibin si Sabrina. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya. Nauubos na ako ng ideya kung paano siya mapapayag. Tingnan mo ngayong araw, gagawa na naman ako ng paraan.
Nang pumasok ako ulit ay naririnig ko ang pang-aasar ni Bastian kay Sabrina. Tumingin sa ‘kin si Sabrina... she’s softly looking at me.
“Mapang-asar ‘yang kaibigan mo, Amadeus. Manang-mana sa ‘yo,” pagtataray niya. Tumingin ako kay Bastian na natatawa pa rin. Umupo ako sa tabi ni Sabrina dahil hinihintay ko siyang matapos kumain. “Hindi pa ba tayo aalis?” tanong niya.
“Oo nga, Master kanina pa—”
“Tumahimik ka, Bastian!” Nagulat ako sa paraan nang pagsigaw ni Sabrina. Narinig ko na siyang sumigaw no’ng kinidnap namin siya, pero ngayon ay kakaiba. Mahinhin siya kung kumilos at kahit mataray siya, she still looks soft.
Tumingin ako kay Bastian na mukhang nagulat din. “Bastian, umalis ka na nga,” utos ko.
“Okay, sorry.” Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at kaming dalawa na lang ni Sabrina. Napatingin naman ako kay Sabrina, nakayuko ito habang nakasaklop ang kamay niya. Nakita kong may tumulong tubig sa kamay niya. Umiiyak ba siya?
“Hey, are you crying?” tanong ko. Umiling siya, pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin sa ‘kin. Inilapag ko ang cellphone sa may mesa at hinarap siya. “Look at me, Sabrina.”
Inangat ko ang mukha niya sa pamamagitan nang paghawak ng baba niya. Nakita ko ang mga mata niyang may namumuong luha. Inayos ko ang buhok niya at isiniksik sa likod ng tainga niya.
“Sorry kung nasigawan ko ‘yong kaibigan mo... naiinis lang talaga a–ako.”
I hugged her. “Akala ko naman kung ano. Tumahan ka na, sanay na ‘yon si Bastian.”
“Ang iyakin ko kapag nagagalit ako... Sorry.”
Ayaw nang tumahan. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin pabalik. Hindi ako makagalaw at ang bilis ng tibok ng puso ko. Sana hindi niya ‘yon marinig o maramdaman.
“Master, hand—” Napatigil si Adalric nang makita niya ang ayos namin.
Naririnig ko pa rin ang iyak ni Sabrina. Napatitig na lang ako kay Adalric na mukhang nagulat sa nakita niya. Sinenyasan ko muna siyang lumabas at mukhang natatawa ang loko.
Lumipas pa ang ilang minuto na gano’n ang posisyon namin. Hinayaan ko lang siyang umiyak hanggang sa hindi ko na marinig ang paghikbi niya. Hindi na rin siya gumagalaw at tanging paghinga na lang niya ang nararamdaman ko.
Marahan kong inabot ang cellphone ko.
Adalric
Pumasok nga kayo
Bumukas ang pinto at pumasok si Adalric. Sinenyasan ko siyang lumapit. “Nakatulog na yata,” sambit ko. Pumunta siya sa likuran ko at muling bumalik sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Fated To Be Yours | ✓
General Fiction|| STAND ALONE NOVEL || COMPLETE || MFINJAP; SABRINA × AMADEUS Former title: My Fiancé is not just a Playboy ---------- Ako si Sabrina Mei Pacizico, isang 2nd year college. I live peacefully. Not until he came... the one who destruct my life. The m...