17

6.7K 212 45
                                    

Sabrina POV

“Amadeus, hindi ‘yan! Masiyadong mahal,” bulyaw ko. Kung ano-ano kasing kinukuhang gamit. Hindi tumitingin sa price. Nandito kami ngayon sa isang home decor stores at bumibili ng mga gamit para sa condo na titirhan namin.

“What? Okay na ‘yan. I have money, Sabrina,” diretso niyang sabi. Hindi man lang tinatanong kung maganda ba ang quality, kuha lang nang kuha.

“Ano ba, Amadeus? Kapag kuha ka lang nang kuha, baka masunog condo. Hindi mo alam kung gaano ka-safe ‘yan,” panenermon ko.

He deeply breath and raised his two arms, na parang sumusuko siya. “Fine. Magtatanong muna tayo.” Ibinalik niya sa lagayan ang kinuha niya mula sa cart.

Matapos sa mga appliances ay sa mga living room things naman kami nagtingin. “I want color gray for sofa,” una niyang sabi.

“I want mauve!”

“Gray!”

“Mauve!”

“Gray!”

“Mauve!”

“Sabrina, it’s rare to find a mauve color for a sofa.” I stopped and looked at him. May punto nga siya, wala pa akong nakikita na color mauve dahil hindi naman kapansin-pansin ang kulay na ito. Ako nga ay nahihirapan sa paghahanap ng mga ito para sa gamit ko, e.

“Ayun na lang, oh!” turo ko sa sofa na color dirty white. May mga small pillows na kulay white, dark blue, mauve, at light violet. For the desk, furnish wood table.

“Fine. Lagi na lang hindi mawawala ang color mauve,” reklamo niya, kaya natawa ako. “Hayaan mo na, maganda naman, e,” pampalubag-loob ko.

Wala pa rin siyang nagawa, at nabili pa rin ang gusto ko. May shade pa rin naman ng gray ang sofa, kaya ‘wag na siyang mag-inarte. “Please, the utensils, ‘wag mong sabihing gusto mo ng mauve color?” pagtatanong niya pa na may kaunting inis.

Ngimisi naman ako at tumingin sa mga utensils. “Wala naman no’n, Amadeus. Takot na takot ka. Black and white, okay na ‘yon!”

“Okay. Good.” Tumango-tango pa ito at ngumiti. Masaya rin naman kasama si Amadeus, lalo na sa mga pamimili. Both of our opinions are matter, pero siyempre hindi namang maiiwasang mas lamang ako. Ako yata boss niya ngayon.

Appliances✓
Living room✓
Kitchen✓
Bathroom✓
Bedroom

Gamit na lang sa kwarto ang wala pa. Bale nasa master bedroom kami ni Amadeus, pero magkaiba kami ng higaan. Mas mabuti iyon, payag naman siya na hindi kami sa iisang kama matulog, pero gusto niyang iisang kwarto para raw mabantayan niya ako.

Akala mo naman ay mawawala ako kapag gabi.

“Amadeus,” pagtawag ko sa kaniya. “P’wede bang kumain muna tayo?” Natigil ito sa pagtitingin ng unan at tumingin sa ‘kin. He softly looking at me.

“Saan mo gusto?”

Malawak akong ngumiti at lumapit sa kaniya. “Hmm... Kahit saan!” sambit ko.

He shook his head. “Mag-isip ka na dahil kapag nasa kakainan na tayo na pinili ko. Sasabihin mo na naman, ayaw mo ro’n.”

Tama naman siya. Tuwing pupunta kami sa mall ay gano’n ang sasabihin ko. Ang ending, ako pa rin ang pipili ng kakainan namin. Ewan ko ba riyan, tuwing linggo ay lumalabas kami at kumakain, o hindi kaya minsan ay namamasyal. Kung saang matrip naming puntahan.

Fated To Be Yours | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon