Bumped Into Him
Jeanette POV
"Aneeet! Anong oras na, wala ka bang balak bumangon diyan? Aba! Tumilaok na lahat ng mga manok nakahilata ka parin diyan"
Nagising ang kaluluwa ko dahil sa sigaw ni mama mula sa baba, ang aga-aga ang ingay-ingay na ni mama, akala mo nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas nang boses. Si lola at lolo malumanay naman, pero si mama ang lakas ng boses.
Abot na nga yata hanggang kabilang kanto ang boses niya sa sobrang lakas. Pinaglihi siguro si mama sa mga naglalakihang speaker ng kapitbahay namin.
"Opo, gising na!" sigaw ko para marinig niya.
Inayos ko ang pinaghigaan ko at pumunta na ng banyo para mag hilamos at toothbrush na rin bago ko ibinaling ang atensiyon ko sa pag-aayos ng napakaganda kong itim at kulot na kulot na buhok.
Isa.. dalawa.. tatlo..
Tatlumpong minuto at hanggang ngayon sinusuklay ko parin ang ganit-ganit kong buhok. Nakakangawit. Ilang taon ko na itong ginagawa ay hindi parin ako masanaysanay, mabilis paring mangawit ang braso ko kakasuklay.
Magpakalbo nalang kaya ako? Ang sabi ni lola kapag pinakalbo ko raw ay straight na ang tutubo na mga buhok. Totoo ba 'yon?
Pft. Ang epic siguro ng itsura ko kapag gano'n.
"Aneeet! Kwarenta minutos na yang gising na sinasabi mo, bumaba kana nga dito!"
"Opo, pababa na!"
Nadatnan ko si mama na nakaupo habang nagrerepak ng mga kanin at ulam sa mga supot.
"Morning ma!"
Ang bango...
Ang daming ulam sa lamesa, iba't ibang putahe pa. Tamang tama gutom na ako. Dumeretso ako sa lagayan ng mga plato, kumuha ng kutsara't tinidor bago umupo sa hapag. Nakakagutom lalo dahil sa amoy.
"Ma, paabot nga niyang fried chicken"
Hindi man lang ako pinansin ni mama, busy na busy eh no? Nasa ginagawa yung atensyon. Aabutin lang ang tamad ni mama. Sasandok na sana ako ng ulam nang hampasin ni mama ng hawak niyang wooden spoon ang kamay ko. Grabe naman si mama, kanina walang pansinan tapos ngayong ako na mismo ang kukuha namamalo pa. Hmp!
"Aray ko naman ma! Ang sakit ha" reklamo ko habang hinihimas ang parteng nahampas.
"Talaga! At mas masasaktan ka pa kapag pinakialaman mo 'yang mga ilalako mo!"
Ang sadista talaga ni mama, ngayon palang iniisip ko na ang gagawin niya nasasaktan na agad ako. Tsaka ilalako? Biglang nanlaki ang mga mata ko ng mag sink in kung anong ibig sabihin ni mama.
"Anong ilalako MO ang sinasabi mo diyan ma?" pagkukumpirma ko sa kunklosyong naisip ko.
"May dalawang bahay na pinapagawa, diyan sa kanila aling Ninita tapos doon sa susunod na kanto. Marami ring tricycle driver sa kanto ngayon dahil biyernis, at itong mga ito ilalako mo" paliwanag ni mama habang gumagalaw pa ang mga kamay.
Grabe! Isipin ko palang nakakapagod na plus the fact na sobrang init pa dahil summer. Hindi ko ma-imagine ang itsura ko goodness! Haggard na nga mas lalo pa akong mahahaggard. Pati na rin ang amoy ko, baka pag-uwi eh amoy suka na hinaluan ng patis na ako. Ew!
"Nakakapagod naman! Ang layo pa nung susunod na kanto dito ah"
"Aba! Huwag kang magreklamo diyan, pang tuition at baon mo rin 'to anet ka!"
Kailan ba ang pasok namin? Binalingan ko ang kalendaryo na nakasabit sa likod ng pintuan ng kusina.
June 16 20**
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...