Date?!
Bakit kami mag d-date?
Mula tagaytay hanggang sa makauwi ako sa bahay ay iyon parin ang iniisip ko. Ano ba bukas? Friday? May pasok ah. Tinignan ko ang calendar na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Saturday!
Aligaga akong tumayo at nagtungo sa cabinet ko, ano bang sinusuot sa date? Pants and shirt? Shorts and shirt? Dress? Naalala ko iyong dress na suot ko, pwede pa bang ibalik iyon. Uulitin ko lang naman.
Busy akong nag iisip kung ibabalik ko ba ang dress na sinuot ko ngayon ng bigla nalang mag pop up sa cellphone ko ang pangalan ni Lotte. Siya ang sagot!
[Hello?]
[Friendship!]
[Hey, hey what is it?]
Hanggang sa matapos kong ikwento sa kanya ng buo ay nararamdaman ko ang kilig ko pati na rin ang sakanya.
[I'll go there early in the morning! Did you ask what time?]
Ngayon ko lang naalala na hindi ko alam kung anong oras at kung sana kami mag d-date, pano kung sa karinderya lang pala tapos nag dress pa ako! Masyado naman akong out of place noon, baka pagtawanan pa ako ng mga makakakita sa akin.
[H-hindi eh hehe]
[Gosh! You're unbelievable, but don't worry ako na ang bahala sayo]
And the day came, nandito kami ni Lotte sa kwarto ko dahil aayusan niya ako, ang gusto nga niya eh yung make up na akala mo aattend ako ng prom.
"Yeah, bagay mo ang light make up friendship. You are so beautiful talag, i'm jealous"
Tinawag na ako ni mama para ipaalam na nandito na si Gavin, kinakabahan ako ngayong mag isa nalang ako sa kwarto. Lumabas kasi si Lotte noong sabihin ni mama na nasa baba na si Gav, kailangan daw niyang interview-hin. Malay ko sa babaeng iyon.
Tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin at ngumiti, huminga muna ako ng malalim bago naisipang bumaba na.
Habang pababa ako ng hagdan ay tumitibok ng sobrang bilis ang puso ko, I have this feeling na may mangyayari na hindi ko masabi kung ano.
I saw Gav seating on the two-seater sofa habang nakaharap kay mama at friendship na malawak ang ngiti. I cleared my throat to call their attention. And I saw him looking at me! Bigla akong parang tinakasan ng dugo sa mukha.
Ang daming pumaasok ko n mga negative, na baka hindi bagay sa akin ang dress, or pangit ang make up or kaya naman ay natatawa siya sa itsura ko ngayon!
"Wow, you look so beautiful Jeanette"
I smile at him shyly.
"Thank you"
"Shall we?"
Tumango ako at nagpaalam na kami sakanila mama na aalis na, habang nakasakay ako sa kotse niya ay hindi ako mapakali! Kanina pa pabiling biling nag pwet ko sa kinauupuan ko.
"You okay?"
"Ah.. oo hehe, saan pala tayo?"
He didn't answer me but he just smile and drove fast, gusto ba niyang mabangga kami?! Sabihin niya lang at tatalon nalang ako palabas.
Thirty minutes ang byahe, pumasok kami sa parang isang private lot na maraming punong nakatanim. Binuksan ko ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin.
"Ahh, relaxing"
"We're here"
Bumaba siya at umikot sa pwesto ko para pagbuksan ako ng pintuan, sa kahit ganoong kilos niya lang ay may kilig akong nararamdam! Umayos ka Anet.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...