Meet Again
Ang lalaking 'yon!
Nakahiga na ako at handa ng matulog pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina nab-bwisit ulit ako.
"Aaaaargh, ang pangit ng ugali mo ul*l!"
Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ng marahas. Grabe naman nakakagulat! Si mama lang pala. Anong ginagawa ni mama dito at bigla bigla nalang pumapasok, walang katok katok eh.
"Anak ng nanay mo ka! Ano ba't gabing gabi na sumisigaw ka pa riyan?"
turo ni mama sa akin habang masama ang tingin."Mahina lang 'yon narinig pa ni niya?" bulong ko sa sarili.
"Wala ma, nag-iimagine kasi ako na may tinitiris na ipis tapos ayun natiris ko na kaya napasigaw ako" Anak ng tokwa, ang galing ko talagang magpalusot. Maniwala ka ma, please.
"Baliw kana anak, itulog mo nalang 'yan" baliw agad? Grabe naman, at least naniwala.
"Opo, goodnight ma"
Masiglang bumangon ako ng higaan dahil walang nanggising sa maganda kong tulog. Thanks to my dream good mood ako today, hays. Wala akong nadatnan ni isa sakanila mama sa baba, saan nagpunta 'yong mga 'yon? May nakita akong note na nakadikit sa kaldero.
"Kumain kana may umagahan na riyan. Nandito kami ng mga kapatid mo sa bahay ng tita mo, baka mamayang hapon pa kami makauwi."
Ay aba! Gano'n? Hindi man lang ako sinama sa kanila tita. May favouritism talaga si mama kahit kailan eh. Char!
Pagtapos kong kumain ay binilisan ko ang pagkilos ko at kakatapos ko lang maligo, namimili ako ng isusuot ko at sa huli isang faded pants at black shirt lang na may print na strawberry sa bandang taas ng dibdib at pinaresan ko ng white converse. Umaasenso dati keds lang e.
Self date ko ngayon!
Ha! Sa ganda kong 'to may mag aaya pang makipag date? Ha Ha Ha. Kapag natapos kong idate ang sarli ko bibili ako ng gagamitin ko para sa next balik eskwela. Tutal wala naman sila mama at iniwan ako, mag bobonding nalang ako ng mag-isa.
"Kuya sa sakayan po nang jeep"
Ilang minuto lang at nakarating agad ako.
"Kuya sa mall lang po"
Halos lahat ng nakasakay sa jeep ay busy sa mga cellphone nila. Ipinamumukha ba nila sa akin na may ka-chat sila tapos ako wala?! Aba! may pangiti-ngiti pang nalalaman si ateng kaharap ko. Edi sana all may ka-chat!
Nilabas ko rin ang cellphone ko. Tinext ko si mama na umalis ako baka mag hysterical 'yon kakahanap sa akin. Para ang alam din ng mga nasa jeep na may ka-chat rin ako with matching smile pa para kapanipaniwala.
Nababaliw na yata ako?!
Hindi kaya ako mag mukhang baliw neto sa ginagawa ko?
"May bababa ba ng mall diyan?!" sigaw ng driver. Ang lakas ng boses ni manong driver kung ako yung katabi niya tiyak na nabingi na ako, buti nalang hindi hays.
"Mall po manong"
Nagtitingn tingin ako rito sa may national book store, last na itong bibilhin ko kaso wala akong makita na assorted color na pad. Mas bet ko kasi ang iba't ibang kulay kesa sa yellow pad lang para makulay rin ang buhay. walang konek.
Wala rin naman akong makitang mga sales lady na nag-iikot, kaya wala akong mapagtanungan. Naka ilang ikot na ako at sa wakas! Nakakita na rin ako, nasa pinaka sulok sulukan naman pala kaya talagang mahirap makita.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...