Friendship
Nandito kami ngayon sa garden, oo kami! Dahil kasama ko si Charlotte... Charlie or Lotte for short daw pero mas bet ko ang lotte kaya lotte nalang.
Nakaupo kami rito sa isa sa mga bench sa silong ng makopa tree, matapos naming mag bihis ay dito niya ako dinala para daw mag palamig dahil baka kapag dumeretso siya sa room nila ay matanggalan ng mga buhok 'yung mga kaklase niya. Natapos na nga ang first and second subject nandito parin kami!
"Gosh! The audacity! Anong klaseng pakulo itong tapunan ng harina sa ulo" pagrarant niya sa tabi ko "Once na malaman ko kung sino ang may pasimuno nito!"
Maganda siya, she has a black hair above her shoulder and white skin, tingin ko nga mayaman siya dahil may tatak 'yung shirt na pinahiram niya sa akin at mahahalata rin sa mga gamit niya, halata rin sa mga galawan niya. Sana all.
"Ikalma mo, ang puso mapunta sa maling tao" sabi ko habang natatawa.
"Funny Anet. Let's go, we still have our last subject for this morning"
"Bye Lotte!" sigaw ko dahil sa kabilang hallway ang room niya "See you later Anet!"
Nasa tapat na ako ng room halatang wala pa 'yung susunod na teacher dahil ang ingay nila sa loob hanggang dito sa labas rinig na rinig sila!
Hindi ko alam kung papasok ako or mag cucutting nalang pero wala sa akin 'yung bag ko. Mga bungol naman kasi sila! Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan huminto lang sila saglit pero pinagpatuloy na rin ang kaingayan nila.
Asan 'yung upuan ko?!
Pakening ship! Wala na 'yung upuan ko sa tabi... sa tabi nung antipatikong Gavin! Inilibot ko ang paningin ko sa room at nakita ko 'yung upuan ko na nasa likod nababalutan parin ng harina, hindi man lang nilinisan! Kumuha ako ng wipes sa bag at tinanggal 'yung mga harina, pati bag ko nababalutan ng harina!. Tamang tama at tapos na ako ng pumasok si ma'am. Kaloka! Feeling ko lalo lang kukulot ang buhok ko dahil sa mga kaklase ko.
"BMath na naman" reklamo ng nasa harap ko.
Nakatunganga lang ako rito sa likod paminsan minsan sumasagot din pero may mangilan ngilan na titingin sa gawi ko at titingin ng masama, inggit lang kayo! As of now buti nalang walang nanggugulo sa akin, baka mahambalos ko ng wala sa oras dahil darating na yata ang period ko.
Matapos ang discussion ay lumabas na agad ako dahil sa tingin ko ay meron ako ngayon, ayoko namang matagusan dito!
Buti nalang at may meeting ang mga teachers kaya half day lang kami. Nadatnan ko pa si Lotte pero nilagpasan ko lang siya. Shutek ang sakit ng puson ko!
"Freindship!" lotte shouted, some of the students look at our direction 'yung iba naman dedma lng.
Ang lakas naman ng boses nito, wala nga si mama siya naman ang pumalit.
"Where the hell are you going friendship?" tanong niya ng maabutan ako sa paglalakad.
Tinuro ko lang ang tiyan ko siguro naman ay maiintindihan na niya 'yon.
"What? Masakit ang stomach mo? I have meds here!"
"Ang sakit ng puson ko Lotte" sabi ko at mabilis na pumasok sa comfort room.
Kinalkal ko ang bag ko pero wala.., ang malas! Wala akong dalang pads shutabels naman. Narinig kong nagbukas sara ang pinto.
"Friendship?" tanong ni Lotte habang kumakatok sa unang cubicle.
"Pangatlo Lotte, ahm... may extra pads ka ba r'yan?" hininaan ko yung boses ko sa bandang dulo pero useless din dahil kulob dito kaya nagtunog malakas parin.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...