Chapter 12

87 15 6
                                    

School Festival (fd)

"Omg! Omg! Makikita ko na si Gavin na maglaro ng basketball fafa!"

"Ang Joenner my loves ko!"

"Alexander asawa ko kyaaah!"

Sigawan at takbuhan ang bumungad sa akin pagpasok ko palang sa entrance ng university. Halatang excited ang lahat sa mga palaro, ako lang yata ang hindi.

Wala naman akong sinalihan kahit na isang laro, napag-utusan pa akong samahang gumawa ng props ang mga nakatoka roon para raw mabilis na matapos.

Hindi pa nga ako nag-aagree kahapon ay ipinahawak na sa akin ang napakahabang listahan ng mga bibilhing gagamitin. Wala naman na akong choice kung hindi ang tanggapin ang listahan dahil nilayasan na agad nila ako!.

Kaya ito ako bitbit ang naglalakihang mga cardboards, manila papers at iba pa na halos ikatumba ko na dahil sa mga babae at binabae na nagtatakbuhan papunta ng gymnasium.

Kung wala lang akong mga bitbit ay ako mismo ang babangga sakanila! Nakakainis! Umagang umaga tagaktak na ang pawis ko.

Papunta ako ngayon sa third floor building ng mga junior high school dahil doon naka assigned ang mga place ng mga gagawa ng props. Wala kasing pasok ang mga junior high dahil kakatapos lang ng school fes nila kaya pinagpahinga muna sila ng three days.

Magkaiba talaga ang school fes ng elementary at junior high sa school fes ng senior high. Ewan ko ba sa may ari ng university na ito, hindi ko na iyon problema.

"Sa wakas! Ang akala namin ay kinain kana ng mga cardboards kaya ang tagal tagal mo!" sigaw ni Camille na siyang na-assigned bilang president namin ngayon.

"Ah, ano kasi... Traffic"

"Hindi ko tinatanong" she said and rolled her eyes.

Dukutin ko 'yan eh! Hmp!

"What are you still doing? Go and help the others! Tutunga tunganga kapa riyan hindi kana gaganda girl"

Anong connect?

Nilayasan na niya ako kaya pumunta na ako sa mga nerds na nasa sulok. Pinagsama ang dalawang section ng strand namin kaya may mga nerds na nasama. Well sila lang ang sa tingin ko na makakaclose ko kaya sakanila ako lumapit.

"Hi!" bati ko at umupo, gumilid naman sila. Bale pabilog ang ayos ng upo namin.

Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa ay nag umpisa na kaming mag gupit, dikit at mag bilog ng mga props. Nagtatawanan kami dahil malapit na rin naman kaminh matapos sa in-assign sa amin pero naputol 'yon ng may bagong inilapag na naman na gugupitin.

"Huwag muna kayong magsaya nerds and ms. panget" inikutan kami nito ng mata bago tumalikod at umupo sa sulok sabay dampot ng cellphone nito.

Really? Cellphone? President pang nalalaman mag cecellphone lang pala!

"Ang pangit talaga ng ugali ng camille na 'yan, palibhasa professor ang nanay kaya malakas ang loob" saad ni Tala sabay kamot sa ulo nito gamit ang dalawang kamay

Kaya naman ay umatras ako kahit na katapat ko ito. Hindi naman sa maarte, ayoko lang mahawaan ng kuto kung may kuto man siya dahil kulot na nga ang buhok ko mag kakakuto pa ako!

"Ito sa iyo, ikaw naman dito, ito ang sa amin" paliwanag ni Clea na tumatayong leader sa grupo namin.

Sinimulan na namin ang bagong bigay na gagawin. Habang gumagawa ay napag-usapan namin ang lumabas sa oras ng dismissal at sabay na mag lunch. Mamaya ko nalang sasabihan so Lotte na hindi ako makakasabay sakanya.

Sweet ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon