Alexander
"Atse?" Naguguluhang tawag ni Jobelle sa akin habang nangungusap ang mga mata.
"Lotte hindi na makahinga kapatid ko"
Agad naman itong humiwalay sa yakap at tumakbo naman si Jobelle sa akin at nagtago sa likod ko.
"Omg! Don't be scared bebi. Sorry nacute-an lang ako sa'yo" pagkausap niya sa kapatid ko.
"Come here, I have something to give you" sabay abot sa kamay ng kapatid ko at bigay ng flower na nasa bottle, kapag inalog ay umiilaw.
Luh, may pangsulhol sa bata.
"Wooow atse tenchu"
"Anet ko ikaw na ba 'yan?!" sigaw ni mama mula sa loob.
"Opo ma!"
Inaya ko si Lotte sa loob at pinakilala kay mama. Parehas silang nakalunok ng megaphone kaya mabilis silang nagkapalagayan.
"Ay hindi na po tita, I'm going home na rin po next time nalang siguro tita"
"Osiya mag iingat ka sa daan iha"
At nag beso beso pa ang dalawa. Buti nalang hindi niya tinawag si mama na friendship. Hinatid ko si Lotte sa labas kasama si Jobelle dahil nag pupumilit.
"Hoy Lotte ingat sa pagdrive ha"
"Don't cha worry friendship. Bye Jobelle, bye friendship gotta go"
Nang makaalis na si Lotte ay pumanhik na ako papuntang kwarto may iniwan kasing activities kanina bago kami pauwiin. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko hindi katulad kanina na halos mamilipit ako sa sakit.
I did my morning routine, syempre trenta minutos ang ginugol ko para sa pagsuklay ng buhok. Naglagay na rin ako ng extra pads and underwear kung sakaling kailanganin. Girlscout kaya ako noong elementary.
Bulongan sa paligid ang unang bumungad sa akin sa hallway pero I didn't mind them baka mapaaway ako, meron pa naman ako ngayon baka bigla ko nalang mangudngod ang isa sa kanila.
"Andiyan na ang Phoenix!" sigaw mula sa bungad ng hallway dito sa third floor.
Agad naman silang nagtakbuhan papunta sa bungad ng hallway kaya halos matisod na ako dahil sa pagmamadali nila.
May nakabangga pa sa akin kaya nakaramdam ako ng sakit, medyo sensitive pa naman ang katawan ko tuwing buwan ng dalaw.
"Ouch" may nakabangga na naman sa akin at sa mismong tiyan ko kaya napayuko ako at naglakad sa may gilid.
"Are you...okay?"
Hindi ka napansin na sa kakabangga nila sa akin ay imbis na sa gilid ako mapunta ay sa mismong gitna pa! As in in the middle of the crowd. Tsaka ko lang napansin na tumahimik ang buong hallway ng may tumikhim, napatunghay naman ang ulo ko mula sa harap.
"Ah...ahm, hi?" nag aalangang turan ko sa lalaking nakatingin sa akin.
Hala, bakit ganito siya makatingin? Do I have a dirt in my face? Nakakaconscious naman 'to tumingin. Nastarstruck ba siya sa kagandahan ko?
Nabalik ako sa reyalidad when I heard his manly chuckle, luh? May paganon?! Ang lalim! Pogi shety.
"Hi, are you okay?" ulit niya sa tanong nito kanina.
"Ah, ahh.. oo salamat" agaran kong sagot with matching tango tango pa.
Matapos ng sagot ko ay pumailanlang ang mga bulungan sa paligid, na kesyo bakit daw ako kinakausap ng lalaking kaharap ko, na hindi raw ba siya nandidiri sa akin, pinapaalis pa nila yung kaharap kong lalaki baka raw mahawaan ko ng kapangitan!
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...