School Festival (sd)
Seven thirty a.m. and I am already here at the University, maaga na ako. Para wala ng masabi ang president kuno.
Hindi lang naman ako ang maaga pati ang lima ay nadito na rin, ayaw raw nilang masigawan at ipahiya sa maraming tao.
Pagpasok ko rito sa classroom na pinag-assign-an nila sa amin ay agad akong kinulit nila Carla, tinatanong kung bakit daw ako tinatawag ni Gavin kahapon, kung close raw ba kami.
Tanging hindi at pag-ikot lamang ng mata ang isinasagot ko sakanila, because first of all we're not close and I don't know why is he calling me yesterday! Sana nga ay hindi kami magkasalubong ng landas ngayon.
"Ang tagal naman nila! Akala ko ba ay dapat maaga para maaga rin matapos"
"Pa-vip talaga ang mga iyon palibhasa alam nila na maaga tayong papasok"
"Sorry sila, huwag muna tayong mag umpisa hintayin natin silang dumating. Ano ang tingin nila, uumpisahan na natin itong pagdikit para kaunti nalang ang gawin nila mamaya? Huh! Neknek nila!" wika ko habang katext si Lotte.
"Pak! Palaban na ang ating Jeanette"
Tatlumpong minuto at labin dalawang segundo ng sabay sabay na pumasok ang mga pa-VIP. Inilibot nila ang kanilang paningin sa buong room nagbabakasakali siguro na maaabutan kaming gumagawa na.
"Hey! What the f*ck you nerds! Bakit wala pa kayong nauumpisahan?! Didn't I said papasok tayo ng maaga?" nagpupuyos na sigaw ni
Hindi namin sila binigyan pansin at kinuha nalang ang mga gagamitin. Iyong apat na kasama ko ay nakayukong mabuti ang mga ulo, itong si Carla naman ay parang natatae sa salawal niya at hindi alam ang gagawin.
"Hoy relax lang kayo" bulong ko.
"Paano kami magrerelax eh ang sasama ng tingin nila sa atin"
"Oonga lalo na si Camille na parang lalapain na tayo sa sobrang sama ng tingin"
Tinignan ko ang mga sinasabi nila at totoo nga, ang sasama ng tingin nila pero parang hindi man lang ako natatakot. Sanay na siguro ako ilang buwan na rin ako rito hindi na sila katulad ng dati na pisikalan ang pam-bu-bully ngayon ay hanggang pagtawag nalang ng Ms. Panget, ugly, cheap at kung ano ano pa.
Nang inumpisahan na namin ang gawain ay tsaka lamang gunalaw ang mga VIP at tumulong na rin sa pagdikit. Kung hindi sila tutulong ay kasalanan nila kung hindi kami agad matatapos dito.
"Eww don't go near me"
"Sorry, natulak kasi ako"
"So many palusot, if I know you just want to be near me because you're jealous of the scent of my perfume!"
Bago pa pagtulungan si Clea ay hinila ko na ito sa tabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa, ang iba ay nag gugupit out dahil may kulang pang parts.
This props are for the dance contest for every strand. For the last day of the school fest ang sayaw kaya ay maaga palang ginagawa na namin. Ang iba kasi ay may sinalihan na mga sports at ang iba naman ay gusto lang magpapansin sa mga crush nila.
"Sa wakas! Natapos na rin"
"Oo nga hindi ko yata kakayanin kung magtatagal pa ako sa classroom na iyon"
"True frenies, akala mo lalapain tayo ng mga buhay gosh!"
"Saan kayo?" tanong ko sakanila, dahil ako ay gusto ko lang umupo sa sulok at kumain ng mga pagkain sa canteen.
"Mag lilibot kami Nette, gusto mo bang sumama?"
"Ah hindi na sa garden nalang ako"
They nod their head at umalis na. Ako naman ay bumili ng lunch at mga biscuit at chichirya dahil tatambay ako sa favorite tambayan ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...