School Festival (td)
Third day of the school fest and we are now allowed to wear anything, for the first and second day kasi ay uniform pa.
I am wearing my tattered pants and loose hanging white shirt with a printed of sunflower above my left chest.
Cute.
Maaga pa naman kaya ako na ang nagpakain at nagpaligo kay Jobelle dahil si mama ay natutulog pa. Nakita ko kasi itong nagbibilang ng pera kagabi at nag-k-kwenta ng mga bill dito sa bahay. Siguro ay napagod.
"Behave ka lang dito sa bahay ha? Bantayan mo si mama okay?"
"Opo atse behave si Jobelle" ginulo ko ang buhok nito at nag iwan ng note sa ibabaw ng kaldero bago umalis.
Naghintay lang ako ng tricycle at nagpahatid sa university, tamang tama lang ang dating ko dahil kaka-bell hudyat na mag lilinya na.
Nasa unahan ako ng linya dahil ako palang ang nandito, maliban sa kakarating lang na kaklase kong lalaki.
"Good morning Antonians! We will wait for the others just stand by and jamm' with the music"
Natawa naman ako ng ang pinatugtog ay iyong PAASA T.A.N.G.A ni Yeng Constantino. Mas lalo pa akong natawa sa isipan ko ng sinabayan ng mga babaeng nasa tabi ko na kauri ni penny wise.
"Akala ko may ibig sabihin ang paglike mo status ko sa facebook~"
"Nag re-reply ka rin sa twitter~"
"Akala ko iyon na~~"
Gusto kong humagalpak nang tawa ng sabay sabay nilang kinanta ang linyang iyon.
"Ang hirap palang maging T-A-N-G-A~~"
"Ang hirap palang maging T-A-N-G-A~~"
Shuta! Nasamid ako sa sariling laway ng maging ang ibang mga lalaki ay nakisabay rin.
Apat na kanta pa ang ipinalabas bago iyon hininto dahil napupuno na ang gym. Mga pa VIP late pumapasok.
"Okay Antonians, you all are good in singing huh" good talaga dahil pinasaya nila ako sa kanta nila. Pft. "So for today we're going to watch the grade 12 humss for their theater like performance. So lets proceed to our theater room"
Wow, may theater room pala rito ang akala ko ay sa gym lang din ginaganap ang mga nag t-theater dahil maluwang naman.
Nang pumasok kami ay bumungad sa amin ang madilim at sobrang lamig na room. Dahil siguro sa wala masyadong mga gamit at kaya malamig. Pero ng ilibot ko ang aking paningin ay napagtanto kong dahil sa naglalakihang mga aircon kaya sobrang lamig sa loob.
"Please be quite, the show will begin in five minutes" dahil sa nagsalita ay tumahimik ang kaninang maiingay.
I forgot to buy some foods! Wala akong kakainin habang nanunuod. Nakita ko naman ang tatlong babae sa 'di kalayuan sa pwesto ko na naglalabas ng mga chips.
Pwede pa kayang lumabas? Baka kapag lumabas naman ako ay agawan ako ng pwesto, maganda pa naman ang pwesto ko ngayon.
Iniwan ko ang bitbit kong bag pack at kinuha lang ang wallet bago dumiretso sa may pintuan na may teacher na nakabantay.
"Ma'am can I go out po? Bibili lang po sana ng maiinom"
"Three minutes"
Three minutes? Baka nga nasa hallway pa lang ako nun at hindi pa nakakarating sa cafeteria, nang buksan ang pintuan ay tinakbo ko na ang papunta ng cafeteria.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...