•• someone asked kung kailan raw ako mag u-update. Nawala na iyong posted message sa profile but it popped sa email ko and kakakita ko lang hehe. Ito na po update, natagalan mhie maraming quiz e. ••
Hindi ako nakapagsalita sa tanong ni tita sa akin kanina, si Lotte naman ay gusto kong tirisin ng makita ko siyang natatawa.
Matapos naming kumain ay nanood muna kami ng t.v sa sala nila kasama si tita. Tita loves to watch modeling shows baka dating model si tita or pangarap niya maging model.
"Do you want to be a model Jeanette?"
Nasamid ako sa iniinom kong tea na pinapatikim nila sa akin, galing daw iyon sa ibang bansa. Pero hindi ko matipuhan ang lasa.
"Tita naman, joker kayo" I laughed awkwardly.
"What? You can pass as a model Jeanette"
"Hindi po tita masyadong mataas 'di keri ng beauty at powers ko"
"You will come to me someday, trust me"
Kiming tawa nalang ang ginawa ko at ininom ang tea na hindi ko alam kung anong lasa. Nasamid ako muli ng maalala ko si Gavin! I forgot to text him na hindi ako uuwi, baka bigla nalang niya akong sunduin dito.
"Excuse po, kukunin ko lang po iyong phone ko sa taas"
Umakyat na ako at nagpunta sa kwarto ni Lotte, kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa study table.
When I open it lots of text messages and calls coming from Gav floods on my screen. I don't know kung anong gagawin ko, should I call him or just text him.
Itetext ko na sana siya ng biglang mag pop-up ang pangalan niya sa screen.
Gav
Answer your phone Jeanette.
Sa pagkataranta ay napindot ko ang red button.
J— Nasa c.r kasi ako hehe, sorry
G— Oh, aren't you going home yet? It's past 8:00 p.m.
J— Pinaalam na ako ni Lotte kay mama na dito ako matutulog e
Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras kung gaano na kami kahaba na magkatext ni Gavin. Nahinto nalang ng pumasok si Lotte na nakabusangot ang mukha.
"Why?"
"You said kukunin mo lang ang phone mo!"
Shoot! Oo nga pala iyon ang paalam ko sakanila tita. Nakakahiya naman.
"Nag p-poop ako ulit friendship hehe"
Pinanindigan ko na ang palusot ko kanina, sa baba naman na ang bagsak ko nito sureball na.
"Ew so kadiri"
Humiga siya sa tabi ko at humarap na sa laptop niya. Ako naman ay nagpaalam na kay Gavin. First time ko kayang payagan mag sleepover! Dapat sulitin ko na.
"Friendship" tawag ko sakanya.
"Yes friendship?!"
"Anong pwede nating gawin para masulit ang sleepover natin"
"I'm searching! Wait a minute"
Kaya ba siya busy sa laptop niya dahil nag s-search siya kung ano ang pwede naming gawin? Nag search na rin ako gamit ang phone ko.
Nilist down ko iyong mga napili ko. Pillow fight at movie marathon at idinagdag ko ang napili ni Lotte. Napapangiwi nalang ako sa mga sinasabi niya.
Make up, skin care at kung ano ano pa na siya lang yata ang gagawa. I'm not into those thing, hindi ako sanay baka kumati pa ang mukha ko at tubuan ng mga tigyawat. Makinis ang mukha ko na ipinagpasalamat.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...