Balik klase na ang ganap ngayon sa University, malapit na rin ang christmas break ibig sabihin ay nalalapit na rin ang examination. Busy ang lahat sa pagrereview dahil binigyan kami ng oras para mag review kaya walang teacher ngayon.
Ngunit itong katabi ko ay wala yatang balak mag review at ako ang naisipan niyang bwisitin!
Kanina pa ako inis na inis sa katabi ko at gusto ng lamutakin ang pagmukukha dahil kanina pa niya ako kinakalabit.
"Ano bang problema mo Gavin? May sayad kaba ngayon sa utak?"
Matapos ng araw na inihatid niya ako at sa mga nakalipas pang araw na walang pasok ay lagi na siyang pumupunta sa bahay, at ang hinayupak nagpaalam kay mama na manliligaw sa akin!
Walang hiya!
"Don't mind me and just read your notes"
Paano ako makakapagbasa ng maayos kung ang gulo gulo mo.
"Ano ba Gavin! Hindi ko maintindihan ang binabasa ko"
"Sorry, now let's review together"
"what's this again?"
"This one?.. oh okay"
May mga napapatingin sa amin pero mas marami ang mga babae dahil sa ingay ng katabi ko.
Gavin's friend were just laughing but Alexander is smiling not fake but I can feel that it's his real smile while looking at... Us?.... Me!
Why is he looking at me?
Ngumiti ako ng alanganin ng magtagpo ang paningin namin.
"Hey, are you listening?"
"Ha? Ah.. oo"
"Halika na let's take our lunch"
Bitbit ang bag ko na inagaw naman ni Gavin ay sabay kaming pumunta ng cafeteria. I'm not still used to their stares, sa tuwing magkasama kami ni Gavin sa mga nakalipas ng araw ay iba ibang mata ang mga nakatingin sa akin.
Buti nga ay wala pang patalikod na sumusugod sa akin, kung hindi ay baka kalbo na ako dahil sa dami nila.
"Here eat this all, maintain your good body"
Inabot niya sa akin ang paborito kong pakbet at ang adobong manok, ang sakanya naman ay breaded pork chop.
"Where do you want to go on Christmas?"
Muntik na akong mabilaukan sa okrang kakasubo ko palang dahil sa tanong niya.
Ano kami mag jowa para umalis sa Christmas?! Nanliligaw pa nga lang siya na hindi ko pa inaaproba at si mama palang ang nag oo.
"Anong... Walang aalis!"
"Hey! I have many plans for us this Christmas huwag kang panira" he said and eat.
Ako pa ang panira.
Nag isip naman ako kung saan ko gustong pumunta ngayong pasko. Nang wala akong maisip I check my phone and click the app notes.
• Baguio
• Palawan
• Boracay
• Bohol
• CagayanMy eyes landed at the place that wrote on my notes. Baguio. Hindi ba masyadong malamig sa Baguio tuwing pasko? Pwede na rin kaisa naman na mag beach sa pasko.
"I want to go to Baguio"
"Then we're going to Baguio"
"Teka, teka lang huwag kang excited. May exam pa tsaka hindi pa ako nagpaalam kay mama, we're not sure if she will let me"
"Just trust me"
I rolled my eyes to him and finish my food. Nauna pa akong natapos kaysa sakanya paano ba naman kasi salita siya ng salita. Hindi pa nga ako pinapayagan pero siya ang dami ng iniisip na pwede raw naming gawin sa Baguio.
BINABASA MO ANG
Sweet Return
Teen FictionJeanette enrolled at San Antonio University, unaware that she would encounter a man who would turn her school year into a nightmare. But is it just her school year, or does he awaken something deeper within her? She falls deeply in love with the man...