"Lilitaw ba lahat 'to sa exam? Ilang items ba 'yung exam, bakit ang dami ng pointers to review?"
While we are reviewing for our final exam, dinig na dinig namin ang mga reklamo ni Ariell. Hindi na rin kami nagulat dahil mahilig siyang magreklamo habang inaaral o ginagawa niya 'yung mga inirereklamo niya. Kaya nga kahit kanina pa siya salita nang salita, hindi na siya gaanong pinapansin nitong mga kasama namin.
"Uy, pansinin niyo naman ako. Tinatamad na ako, bakit nag-aaral pa rin kayo? Seryoso ba kayo riyan? Oo na, mataas naman na grades niyo. Bili na tayo pagkain, gutom na 'ko." reklamo pa niya na parang bata.
"Stop being a baby," Kiel told her. "Tara na, bili na tayo. Lalong walang papasok sa utak mo kung gutom ka." pag-aaya niya at sinarado ang libro.
Ariell excitedly smiled and stood up, napa-iling na lang kami sa kanya. Kinuha ko naman ang earphone ko at naghanap ng kantang papakinggan habang nag-aaral ako. At the end, I just chose a random playlist- hoping it will be filled with good songs.
It didn't disappoint, I actually enjoyed it while I'm studying. Nang makabalik sila Ariell at Kiel ay tinanggal ko na ang earphone ko, nagsimula na rin silang magkwentuhan. I glanced at Jeshua who is busy with her phone, I smirked when she looked at me. Aasarin ko sana siya pero hindi na lang ako nagsalita, maybe next time.
Lizzie is still busy studying, ni hindi man lang niya pinansin na nagkukwentuhan na lang sila. She was so focused, hula ko nga ay hindi rin niya napansin na nakabalik na 'yung dalawa. Inabot ko sa kanya ang sandwich na nabili nila Ariell, she looked at me- she smiled then thanked me before going back to reading again. I just shrugged, hindi ko na siya ginulo pa.
"Bakit walang pumasok na teacher sa atin kanina?" Ariell asked, eating a sandwich. Hindi siya naglunch kanina kasi may ginagawa siya, maybe that's why she's so hungry.
"Tapos na silang magdiscuss, nabigay na rin nila ang pointers to review. Baka busy na, may iba pang naghahabol ng mga kulang na activity nila." sagot naman ni Epione at nagkibit-balikat pa.
"Sa inyo ba, Salem, may pumasok na teacher?" Ariell asked, again.
"Yeah, we still have a lesson na hindi pa na-discuss- that's why." Salem answered.
Tumango lang si Ariell at kumain na lang. Si Epione ay hindi na rin nag-aaral, nagce-cellphone na lang. Si Lizzie na lang ang naiwan na nag-aaral, she looks so serious kaya hindi namin siya ginulo. Nang matapos ang lunch time ay bumalik na si Salem, Lizzie at Jeshua sa classroom nila.
Vacant ulit ang first afternoon class namin kaya maingay na naman ang klase. The loudest trio were one of them, I'm not really surprised. Kinuha ko naman ang liptint ko na nasa bag ko, I applied on my lips- using my phone as a mirror.
Napatingin ako sa may gilid ko nang umupo roon si Kirk, hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. I glanced at him once again, I saw him staring at me like an innocent baby- trying to figure how to do what I'm doing. I smirked, napatingin siya sa 'kin at nagtaas ng kilay kaya natawa ako.
"Ang ganda mo." he said, making me look away. I bit my lower lip to stop myself from smiling habang siya ay malawak ang ngisi.
YOU ARE READING
#2: Strumming the Pain
Подростковая литература2/5. Band Series #2. Completed. Strumming the pain like a guitar, hoping it will build a music of love.