Maaga akong nagising kinabukasan. I need to leave the house early. I stopped brushing my hair and looked at my reflection in the mirror. Hinawakan ko ang pisngi ko at bumuntong hininga. Mabuti na lang at hindi nag-iwan ng bakas ang sampal na natamo ko. I sighed, I didn't notice the tears that fell from my eyes. I immediately wiped it off.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay kinuha ko na ang bag ko. Dahan-dahan akong lumabas sa bahay. It's so quiet because they are still sleeping. Nakalabas ako nang walang nagigising na tao kaya naman nakahinga ako nang maluwag.
It's 6 in the morning, the wind is cold so I embraced myself. Tahimik ang paligid, masyado pa kasing maaga. I looked at the sky, the sun is just about to rise. Tumigil ako sa paglalakad at tumingala sa langit. Bahagya akong ngumiti sa sarili ko bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Saan ba ako pupunta? It's still so early. I think about it for a while before deciding to go to the place where I met Hershey and her friends. Kaso ano naman ang gagawin ko roon? Baka wala sila roon. Masyado pang maaga para pumunta roon.
At the end, I decided to still go there. Kaysa naman sa pumasok ako nang maaga sa school. Naglakad ako papunta roon, hindi ko alam kung gaano ba kalayo ang nilakad ko. Pagdating ko roon, medyo marami ang tao. They were so loud! Buong gabi ba silang nandito? I immediately looked for Hershey.
"Khaisia!" someone called me. Kaagad hinanap ng mga mata ko ang tumawag sa 'kin. Bahagya pa akong nahirapan dahil marami ang tao. Ang iba ay naka-uniporme pa. Hindi ba bawal 'yun dito?
Natanaw ko rin naman si Khloe na kumakaway sa akin. She's smiling widely at me, beside her is Hershey. Naglakad ako palapit sa kanila at kaagad naman nila akong hinila nang makalapit ako sa kanila.
"Naka-uniform ka pa, ha! Balak mo bang umabsent sa school?" Anton asked me.
"Naka-uniform din naman kayo." sagot ko naman sa kanya habang tinitignan ang suot nila. Napatingin din sila sa suot nila bago binalik ang tingin sa 'kin.
Hershey laughed. "That's right."
"May balak kaming umabsent, e." natatawang sagot naman ni Yuri na naninigarilyo.
"Papasok ako, 'no! Bagsak ako sa quiz kahapon, kailangan kong bumawi." Hershey answered.
"Para namang papasa ka sa quiz niyo ngayon." sabi sa kanya ni Yuri dahilan para matawa sila at mainis si Hershey.
"Saka amoy sigarilyo ka, gusto mo bang ma-office?" sabat naman ni Renzy.
"Perfume is the key!" Hershey proudly answered.
"May chikinini ka pa, tanga!" Khloe told her.
"What?!" she panicked. Kinuha niya ang cellphone niya at nilagay sa camera para tignan 'yon. "Pucha! Tangina, Anton! Sabi mo wala!" inis na sabi niya bago pinaghahampas si Anton.
"Papasok ka na, Khaisia?" Khloe asked me while Hershey and Anton were bickering.
YOU ARE READING
#2: Strumming the Pain
Ficțiune adolescenți2/5. Band Series #2. Completed. Strumming the pain like a guitar, hoping it will build a music of love.