"Aalis na 'ko,"
Nakatayo lang ako sa harap ng pintuan ng kwarto habang pinapanood siya na magpaalam. When our eyes met, she smiled widely at me and walked towards me. Nanatili lang naman ako na nakatayo roon, hinihintay ang sasabihin niya.
"Huwag kang mahihiyang magsabi sa Tito Miguel mo kapag may kailangan ka, ha?" sabi naman niya sa 'kin. "Feel at home, anak..."
Marahan lang naman akong tumango at pinanood siya na umalis ng bahay. Nang makaalis siya ay pumasok na ulit ako sa kwarto at doon na lang nagpalipas ng oras. Mamayang hapon pa kami magkikita ni Kirk dahil may pupuntahan sila ngayon ng Mommy niya.
Napatingin naman ako sa may pinto nang may marinig akong kumatok doon. Brows furrowed, I climbed off my bed to open the door. Dahan-dahan ko 'yong binuksan at tinignan kung sino ang kumatok. And there, I saw my mother's boyfriend.
"Khaisia, may gusto ka bang kainin? Magluluto na ako." tanong naman niya sa 'kin habang nakangiti.
"Uh... Anything will do." I said, gripping the doorknob tightly as I felt uncomfortable for some reasons.
"Sigurado ka ba? Ang sabi kasi sa 'kin ng Mama mo ay lutuin ko ang paborito mo. Ano ba'ng paborito mo?" tanong pa niya sa 'kin habang may malawak pa rin na ngiti. His smile didn't fade. "Huwag kang mahihiya... Sabihin mo lang."
"I don't have any... Kahit ano na lang," mahina ang boses na sagot ko naman sa kanya.
When I looked up, our eyes met. There's something on the way he stares at me, but I ignored it because maybe I'm just overthinking. Kaagad akong nagtago sa likod ng pinto at nang tumango siya ay kaagad kong sinarado 'yon. I released a sigh after closing the door.
I roamed my eyes around, checking every corner of the room like as if I didn't do it the first time I entered it. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali pero bandang huli, hindi ko na lang 'yun gaanong pinansin.
Hours passed, Kirk was just updating me about what he's doing. Nang may kumatok ulit sa pinto ay dahan-dahan akong lumapit doon para buksan 'yon. When I opened it, I saw Kline... my little sister. I'm still not use to it...
"Kakain na po tayo, Ate Khaisia. Labas na po kayo," sabi nito sa 'kin. "Hindi po ba kayo naiinip d'yan? Kasi po... mag-isa lang kayo." she asked, curiously.
"I'm okay..." I answered and gave her a small smile.
Sumunod na rin naman ako sa kanya para kumain. Tahimik lang ako habang kumakain habang kinakausap ako ni Kline. Tinatanguan ko lang naman siya at mabilis na tinapos ang pagkain ko.
"Uh, where's the bathroom?" tanong ko naman sa boyfriend ni Mama nang matapos kumain.
Hinarap ako nito at tinitigan kaya napataas ako ng kilay. He scanned me from head to toe, napahakbang naman ako palayo sa kanya. He cleared his throat before answering my question.
"Ayan... 'Yung pinto na 'yan, d'yan ang banyo." sagot naman niya habang nakaturo sa isang pinto.
YOU ARE READING
#2: Strumming the Pain
Teen Fiction2/5. Band Series #2. Completed. Strumming the pain like a guitar, hoping it will build a music of love.