After the call I had with Kirk, I turned off my phone so he won't call me again. Hindi ko kasi alam kung ano ang magagawa ko kapag tumawag ulit siya... I might run into him. Baka puntahan ko siya...
Ayokong makita niya akong ganito... dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko dahil ako mismo... gulong-gulo.
"Oh, I thought you were sleeping... Can't sleep? Are you uncomfortable?" Yuri asked when he saw me.
Nang lumabas ako ay nakita ko siya sa living room na seryosong nakaupo sa sofa at tila malalim ang iniisip. Napataas ako ng kilay nang makita ang alak na nasa coffee table. Madaling araw na pero mukhang hindi pa rin siya natutulog.
"I'm sorry for the inconvenience... Aalis na ako bukas," sagot ko lang naman sa kanya.
"It's okay, Khaisia... You can stay here for as long as you want. Ayos lang naman sa 'kin... I have a lot of unused cloths that you can use." sagot naman niya sa 'kin.
I gave him a small smile. "Ayos lang din. Kailangan ko na rin naman na bumalik sa bahay."
"Are you sure?" he asked. Tumango naman ako kaya napabuntong-hininga siya. "Okay, hindi kita pipilitin. Basta, Khaisia, just go here... kapag wala ka ng alam puntahan. Ayos lang sa 'kin... This house is always open for you."
"It sounds like I'm using you." sagot ko naman at pilit na tumawa. Nanatili lang naman na seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin kaya unti-unti ring naging seryoso ulit ang mukha ko.
"You can use me, Khaisia... It's okay. I will allow you to use me, if that's the only way I could help you. I would not ask you to reciprocate what I feel towards you, just accept my help... or use me." seryosong sabi naman niya sa 'kin.
I averted my gaze, and then, I heard him heaved a sigh. Umupo ako sa pang-isahang sofa at pinanood siya na uminom. Tuloy-tuloy ang pag-inom niya... It was like he was carrying the whole world. His face looks so sad which made me wonder.
"Mag-isa ka lang bang iinom hangga mamaya?" I asked which made him look at me.
Confusion was written all over his face. After a while, he realized what I meant. "You can't drink."
"Sino'ng may sabi?" I asked, raising a brow.
"How old are you? You're not even eighteen yet." sagot naman niya sa 'kin na para bang siya ang tatay ko. Umirap ako sa hangin dahil sa narinig.
"And so what? Hershey and Khloe tasted alcohol when they were fifteen." sagot ko naman sa kanya. "Don't you even try saying that we're not the same. What makes us different?" sabi ko pa nang umastang sasagot pa siya.
Nakaawang lang ang bibig niya habang nakatingin sa 'kin. Tila ba nag-iisip siya ng tamang salita na isasagot sa 'kin pero bandang huli, itinikom na lang niya ang bibig niya at napailing. Saka siya tumayo para pumunta sa kusina at nang bumalik siya ay may dala na siyang baso. Inilapag niya 'yon sa harap ko at nilagyan ng yelo. Nagtaas ako ng kilay nang tumingin siya sa akin bago niya nilagyan ng alak ang baso.
YOU ARE READING
#2: Strumming the Pain
Teen Fiction2/5. Band Series #2. Completed. Strumming the pain like a guitar, hoping it will build a music of love.