"What are you doing, dude? Ang kalat mo! Kalilinis ko lang, oh!"
Nilingon ko si Nolan nang marinig ko siyang magsalita. Inilibot ko ang tingin ko sa kwarto niya at nakita ang mga nagkalat na papel. I forced a smile and showed a peace sign, but he just threw a pillow at me. Kaagad akong sumimangot pero mukha namang wala siyang pakialam doon.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo? Nagkakalat ka lang, e." asar pa rin na sabi ni Nolan habang pinupulot ang mga papel na kinalat ko.
"You're wasting paper, Kirk. Do you even know how many trees need to be cut down just to make paper?" sabi naman ni Vinnyx na kakapasok lang ng kwarto ni Nolan.
"Hindi ako nakikipag-usap sa kamukha na ng libro." sagot ko naman sa kanya. He just chuckled and threw a cookie at me. "Luh! Huwag mo ngang hinahagis 'yung pagkain!" sabi ko naman bago kumain.
"What are you doing? You've been there for an hour now." tanong naman sa 'kin ni Jacen.
"Nagco-compose ako ng kanta." sagot ko sa kanila.
"Uy, seryoso ba 'yan?! 'Yung inspirasyon mo ba 'yung sinasabi mong babae na nakita mo roon sa garden area sa school? Pinansin ka na ba, bro?" natatawang tanong naman sa 'kin ni Nolan. "You don't even know her name."
"Alam ko na pangalan niya, 'no." sagot ko naman sa kanya.
"What's her name?" atat na tanong sa 'kin ni Vinnyx.
"Bakit ko sasabihin? Doon ka na nga! Uuwi na 'ko. Baka hinahanap na ako ni Mommy, e." sagot ko lang naman at tumayo na para kunin ang bag ko, tinago ko na rin ang notebook ko.
"Sandali lang! Hindi pa tayo nagbotohan kung sino ang bagong drummer." pigil sa 'kin ni Nolan.
"Magaling naman lahat, huwag lang si Villanueva. Ang yabang, e! Baka siya pa gawin kong drumsticks." sagot ko naman.
Vinnyx laughed. "Yeah, the result is so obvious. Just tell Ross to go to the music room tomorrow. That's his name, right? Uwi na 'ko. Sabay na ako kay Kirk."
Tumawa lang si Nolan bago kami hinayaang umalis. Dahil wala akong sundo at gano'n din si Vinnyx, naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Nilingon ko si Vinnyx at nakitang nakatingin siya sa 'kin.
"Bro, 'di kita type." sabi ko sa kanya kaya kaagad niya akong binatukan.
YOU ARE READING
#2: Strumming the Pain
Fiksi Remaja2/5. Band Series #2. Completed. Strumming the pain like a guitar, hoping it will build a music of love.