CHAPTER 10

4.9K 92 1
                                    

Chapter 10 :Confined

I WOKE up one morning again, this time alam kong nasa hospital room na naman ako. May dextrose sa kamay ko.

Maingat na bumangon ako at sumandal sa headboard ng hospital bed. Napatingin ako sa paa ko na parehong naka-benda na.

Nagsalubong ang kilay ko, ramdam ko rin ang paghapdi no'n na tila may sugat ako. Sa pagkakaalala ko ay dapat isa lang, marahil nagalusan ang isa kong talampakan dahil sa paghabol ko sa lalaking stalker na iyon. At napaano naman kaya ang isang 'to?

Paanong nangyaring nasa hospital na rin ako? Gayong sa pagkakaalala ko ay nasa bahay lang ako. Ah...iniwan pala ako ng asawa ko kahapon noong magbe-breakfast pa lamang ako.

Umalis siya dahil may emergency raw, hindi ko alam kung anong klaseng emergency 'yon. Umiyak pa ako habang nakasubsob sa table.

Hinawakan ko ang IV ko and I was about the remove this when someone's entered inside my hospital room. Natigilan ako nang makita ang walang emosyon ng mukha ng asawa ko.

"What are you doing, Xena? Are you trying to escape again, ha?" tanong niya sa akin at naglakad palapit sa akin.

Tinanggal niya ang kamay ko at ibinaba sa kama ang isa. Saka niya ako maingat na hiniga ulit.

"You need to rest. Are you hungry?" he asked again.

"I'm not hungry," anas ko at sinabayan pa nang pag-iling.

Napakislot ang puso ko nang umupo siya sa gilid ng kama na nasa tabi ko lang din. Hinaplos niya ang pisngi ko at mas lumalim ang gatla sa noo ko.

"Ah? That's it? You didn't finish your breakfast yesterday morning, then you escaped your lunch and dinner, too. Tapos sasabihin mo sa akin na hindi ka gutom?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin at hindi na ako nakasagot pa. Para siyang tatay na pinapagalitan ako na anak niya.

Totoong hindi ako nakakaramdam ng gutom. Weird right? But that's the truth.

"Stay here, bibili lang ako ng pagkain mo and please, don't ever remove that things and don't escape again, this time," usal niya na may pagbabanta pa. Napa-kamot na lamang ako sa kilay ko at para akong batang tumango.

"Good girl," anas pa niya.

Nakasunod lamang ang mga mata ko kay Kierson nang lumabas na siya at napabuntong-hininga na lamang ako.

Parang sasabog ang puso ko kanina dahil sa pagbilis nang tibok nito. Nagkakagulo ang sistema ko sa tuwing nasa malapit lang siya. At tila may paru-paro ang nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

Bumukas ulit ang pintuan at ang akala ko ay bumalik ang asawa ko pero ang mukha ni Lay ang bumungad sa akin.

"Hi, Xena. I bought a foods here," nakangiting saad niya at napangiti rin ako.

He stepped towards my direction. Hinila pa niya ang isang chair palapit sa bed ko at doon siya umupo.

Binigay niya sa akin ang plastic plate and spoon. 

"Thank you, Lay," anas ko at sinundot ko pa ang pisngi niya dahilan na lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi niya.

"Don't mention it, Xena."

Kumain lang ako nang kumain, parang kanina lang ang sabi ko ay hindi ako gutom pero nang makakita na ako ng foods ay para akong PG nito.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan at hindi ko na iyon pinansin. Kain lang ako nang kain hanggang sa marinig ko ulit ang malakas na pagsara ng pinto. Doon na ako natauhan.

Hindi mapinta ang mukha ng asawa ko ngayon at nagtatagis din ang bagang niya. May dala-dala siyang paper bag at mahigpit ang pagkakapit niya no'n. Kitang-kita ko rin ang mga ugat niya sa braso. Naka-roll kasi sa siko niya ang white long sleeve niya at naka-black pants lang siya pababa.

Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon