Chapter 35:Fear
Past...
"KIERSON, b-buntis ako," mahinang saad ni Maria at bigla akong namutla.
Ano'ng ibig niyang sabihin na buntis siya? Shet! At bakit niya sinasabi 'to sa akin? Dapat ay hindi ako pinagsasabihan niya nito.
"P-Paano ka nabuntis? Paanong nangyari--"
"Ikaw ang ama, Kierson. Ikaw ang ama ng anak ko," aniya at nag-uunahan na ang mga luha niya sa pagpatak.
Para akong tinakasan ng kaluluwa sa sinabi niya. Ano'ng pinagsasabi niya?!
"F*ck, no! Ni hindi nga kita nagalaw, eh! Paanong nangyari na nabuntis kita? H-Hindi ako ang ama niyan!" sigaw ko at umatras pero lumalakas lang ang iyak niya.
Malalim na ang gabi at sa mga oras na ito ay natutulog na ang asawa ko.
Lumabas lang ako mula sa kuwarto namin nang marinig ko ang iyak ni Kienna at nakita kong naroon na siya."Ikaw ang ama nito, Kierson! Hindi mo ba naalala no'ng umuwi kang lasing?! Ako ang nag-alaga sa 'yo buong magdamag, dahil hindi umuwi ang asawa mo!" sigaw nito sa akin habang umiiyak pa rin.
Mas lalo lang ako napaatras at ang lakas nang kabog sa dibdib ko. Naalala ko na umuwi akong lasing dahil kay Lervin na nagpakalunod din sa alak pero alam ko na walang nangyari sa gabing iyon!
Natulog lang ako at nagulat na lamang ako kinabukasan na kasama ko na siya sa kama at pareho kaming...
Alam kong walang nangyari sa amin at hinding-hindi ko gagawin 'yon!
M-Mahal ko si Xena...
"Kung ayaw mong maniwala sa akin ay ako ang magsasabi sa asawa mo! Na may nangyari sa atin at buntis ak--" mabilis na tinapkan ko ang bibig niya dahil baka magising si Xena at marinig pa kami.
"Please, stop! Huwag na huwag mong sasabihin ito sa asawa ko," malamig na saad ko sa kanya saka ko siya binitawan.
"Hindi ako naniniwala na ako ang ama ng dinadala mo," mariing bigkas ko saka ako lumabas mula sa kuwarto ng anak ko.
Nagmamadali pa akong pumasok sa kuwarto namin ni Xena at nakahinga ako ng malalim nang makitang mahimbing pa rin ang tulog niya.
Tumabi ako sa kanya at kinulong ko siya sa mga bisig ko at hinalikan ang noo niya.
K-kung totoo man 'yon, Xena. Baka, b-baka tuluyan ka ng mawawala sa akin. Baka bigla ay magalit ka sa akin, baby.
Alam kong masasaktan ka, kaya natatakot ako na malaman mo 'yon.
Nagsisisi na nga ako sa lahat ng ginagawa ko. Noong pinagbubuntis pa ng babaeng iyon ang anak ko at kung paano ko harap-harapan na pinapakita kay Xena ang pag-aalaga ko kay Maria.
At alam ko na sa mga oras na iyon ay naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Iniisip ko pa rin ang babaeng nakakilala ko ilang taon na ang nakakaraan at mas nagulo lang ito nang dumating si Maria sa buhay namin.
Dahil alam ko...hindi siya ang babaeng iyon.
Hindi siya ang babaeng nakilala ko.
Noong vacation namin sa Tagaytay ay isinama ko si Maria. Hindi dahil gusto ko, dahil iyon ang dapat.
Kapag hindi ko siya isasama ay dalawang bagay ang gagawin niya. Ang sabihin kay Xena ang pagbubuntis niya o ang ipapalaglag niya ang bata.
Kahit alam ko, ramdam ko naman na hindi ko anak ang batang dinadala niya ay hindi ko naman kayang ipaglaglag ang sanggol.
Pero ang mas nakakapang-init ng ulo ko ay ang pag-aaway nila. Na minsan ay si Maria pa talaga ang kinakampihan ko. Shet talaga.
***
"EVEN! What did you do?!" tanong ko kay Even nang sagutin niya ang tawag ko.
"What did I do, what?" she asked over the phone. Halata sa boses niya ang pagtataka.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Nang papauwi na kasi kami sa Manila ay biglang nagkaganoon ang anak namin at nagka-dengue pa.
"Bakit wala isa sa amin ang ka-blood type ng anak ko, Even? At bakit na kay Xena pa?" tanong ko at narinig ko ang halakhak niya mula sa kabilang linya.
"Sa tingin mo, ano ba?" Kahit hindi ko siya nakikita ngayon ay alam kong nakangisi siya. Ang hilig niyang paglaruan ako! Shet talaga!
"Isusumbong kita kay Taki!" sabi ko na lamang.
"Hindi mo yata naintindihan ang ibig sabihin ng surrogate mother?" natatawang tanong niya sa akin, mas lumalim lang ang gatla sa noo ko.
"Xena is a biological mother of Kienna, Kier. 'Di ba ay humingi ako ng sperm cell mo para makabuo ka ng bata sa sinapupunan ng isang babae, na hindi sa asawa mo? At sa love making pa ninyo ng asawa mo. Siyempre nag-mix ang mga liquid na kailangan ko," aniya at lumalakas lang lalo ang tawa niya pero ang hirap i-process lahat ng mga sinabi niya sa akin. Liquid, tsk.
"Sadly, hindi sa surrogate mother nagmula ang egg fertilized. Sa halip ay sa asawa mo and can you see it? Can you feel it? Kamukhang-kamukha ni Xena ang anak mo, kahit may mix din ang face mo. And her beautiful eyes, hindi mo rin pansin na mas malapit ang bata kay Xena at maging siya? Kierson, dapat matalino ka kasi doctor ka," paliwanag nito at bigla na lamang pinatay ang tawag.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Si X-Xena ang ina ng anak ko? Totoo ba? O pinaglalaruan na naman ako ng isang 'yon? Parang hindi na siya kapani-paniwala!
Iyong takot ko, ang takot ko na malalaman ni Xena ang sekreto namin na hindi ko naman ginustong mangyari ay dumating na nga...
Present...
"Nakauwi ka na pala, Eson," salubong sa akin ni Maria nang makitang papasok na ako sa loob ng mansion namin ni Xena.
May ngiti pa sa labi at unti-unti ng lumalaki ang tiyan niya. Hindi ko alam kung ilang buwan na ba 'yon.
Tutulungan na sana niya akong magtanggal ng coat ko nang lumayo ako sa kanya.
Walang bahid na emosyon sa mukha ko nang tingnan ko siya. "Hindi kita asawa para gawin mo 'yon," saad ko.
"Pero ako ang ina ng mga anak mo! May karapata--"
"Sige! May karapatan ka, sa mga bata lang! Hindi sa akin, dahil hindi mo ako asawa! Alam mo, minsan ko nang napapansin ang tinatago mong ugali at nandidiri ako na ikaw pa ang nagluwal sa anak ko. Tigilan mo ako, Maria. Hindi kita asawa, tandaan mo 'yan."
***
Humiga ako kaagad sa kama namin at si Xena na naman ang iniisip ko. Hanggang kailan kami magkakaganito? Hanggang kailan ako magpapanggap na okay lang ako?
Hanggang kailan ako magtitiis? Hanggang kailan ang sakit na nararandaman ko?
Kinuha ko ang phone ko at ang picture namin ni Xena ang wallpaper nito.
"I missed you, baby... Miss na miss na kita..."
Tumunog ang cellphone ko at si Cyan ang tumatawag. I immediately accept the call.
"Cyan," I called his name.
"Kierson, you know I can help. Kung ang Papa lang naman ni Xena ang problema mo ay matutulungan kita. Sabihin mo lang sa akin at ako ang kakausap sa Papa niya," kaagad na sabi niya.
Napailing ako, "No, hindi lang 'yon ang dahilan, Cyan. My wife is not safe kung kasama niya ako. Ako raw ang habol ng mga kalaban nila dahil nakikilala na nila ako bilang asawa ng Mafia Queen niyo. Hayaan mo na muna kami."
"Kierson, alam ko rin ang nangyayari sa 'yo."
"Wala akong sakit, I'm fine," I said.
"Kung handa kang ipasa ng Papa niya ang pagiging Mafia Lord ay baka--"
"No, no..."
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...