CHAPTER 17: Jealous
One month later...
IT'S BEEN a month since I runaway from the hospital. One month na rin ang nakalipas noong may trahedyang nangyari sa akin. Gumagaling na nga ang sugat ko sa leeg pero hindi ko na nakita pa ang asawa ko.
Ang sabi pa ni Lay ay nag-aalala raw sa akin ang asawa ko noong gabing iyon. Parang takot na takot daw ito na mamatay ako. Dinala pa niya ako sa hospital at nakarating iyon kay Papa, kaya napilitan din ako na umalis ng araw na iyon.
I'm not safe there. Iyon na sana ang pagkakataon ko na alagaan naman ako ni Eson. Pero hindi nangyari, eh.
At ngayon ay nasa tapat na ako ng mansion namin. Excited pa akong makita ang asawa ko. Nag-aalala kaya siya sa akin? Ano ba ang magiging reaction niya kapag nakita niya ako?
Yayakapin ba niya ako nang mahigpit? Hahalikan?
Malalaman ko kapag papasok na ako riyan. Humugot na muna ako nang malalim na hinga.
Nagsimula akong humakbang palapit sa pintuan. Na-missed ko rin ang atmosphere sa mansion namin. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang asawa ko na kalalabas lang niya sa kusina.
Pero nawala ang ngiti ko nang makita ko si Conrad. Nakakapit ito sa braso ng asawa ko at matamis ang ngiti ang nakapaskil sa labi niya.
Parang may tumarak na patalim ang bumaon sa dibdib ko. Dahilan na hindi ako makahinga nang maayos.
Pero bumalik sa dating expression ang mukha ko. Cold, apathetic and emotionless.
"Let me guess, babae ang magiging anak natin," narinig kong sabi ni Eson kay Conrad. Mariin na naipikit ko ang mga mata ko dahil ang sakit sa puso ko ang katagang binigkas niya.
"N-No. It's a boy. Panganay na anak natin siya at gusto ko ay lalaki para dala-dala niya ang surname ng pamilya niyo," ani ni Conrad. She looks happy and looks like...parang sila ang totoong mag-asawa at ako?
Isa lang akong kontrabida sa buhay nila. Nasaan na ang excitement, Xena? Nasaan na? Nasaan na ang inakala mo na magiging reaction ng asawa mo?
Iba ang nadatnan ko. Mukha naman siyang hindi nag-aalala sa akin. Parang pabor pa sa akin ang mawala ako. I'm a worst, then?
Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang sarili ko na huwag akong lumuha. Ayoko nang ipakita pa sa kanila na mahina ako at lalo na ayokong kaawaan ako ni Conrad.
Alam kong may balak siyang agawin sa akin ang asawa ko...
"Xena?" narinig kong tawag sa akin ng asawa ko at nag-angat ako nang tingin sa kanya.
Wala namang emosyon ang mukha niya kaya mas lalo lang akong nasaktan.
"Kailan ka nakabalik?" tanong niya sa akin pero hindi ako nakasagot dahil tila nalunok ko ang dila ko.
"Xena," he called my name, again at napatingin ako sa braso niya na nakapulupot sa baywang ni Conrad.
I look at him straight in the eyes. Mapait na ngumiti ako.
"Did I missed something? You looks good together," I said in a cold tone.
"I started to doubt about this. What am I to you, Eson? I feel like I am a villain here. What's your feeling when I'm gone? Are you worried about me or not? It seems you are happy with her though, should I leave now, then? Parang hindi ako parte ng buhay mo, eh. Nawala lang ako ng isang buwan ay ang dami na ang nagbago. Like, close na kayong dalawa. O baka pabor naman sa inyo ang mawala ako?" mahabang saad ko bagamat walang bahid na emosyon iyon.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomansaGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...