Chapter 40: She's in coma
"HUMIHINA...humihina ang heartbeat ng pasyante!"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Xena. "Please, baby... Huwag ka namang bumitaw," I whispered as I kissed the back of her hand. Hindi rin huminto sa kakabuhos ang mga luha ko.
Wala ng mas ikakasakit pa ang makita ko siyang ganito. Ang makita ko siyang nakaratay sa stretcher at walang malay. Marami na rin ang dugong nawala sa kanya.
"Baby, lumalaban ka naman. H-Hindi ka...puwedeng bumitaw... M-May baby...may baby ka na...Xena..." Sa buong biyahe, sakay ng ambulansya ay wala akong tigil sa kakaiyak habang kinakausap ko siya kahit hindi naman niya naririnig.
Dumating kami sa hospital at kaagad na inasikaso siya ng mga doktor at dinala sa ER.
"Please... Take care of my wife, she's...she's pregnant, my wife is pregnant..."
Tumango at tinapik lang ako sa balikat ng doktor saka sila tumalikod. But later on, dinala nila sa operating room si Xena.
I dropped my body on the floor. Naramdaman ko iyong pagod bigla.
"Sir, kailangan mo rin pong magamot," one of the nursing approached me.
I shook my head, "no, dito lang ako."
"Sir, marami na rin po ang dugong nawala sa 'yo at namumutla na po kayo," nag-aalalang sabi sa akin ng nurse pero sunud-sunod ang pag-iling ko.
Wala akong pakialam. Mas nag-aalala ako sa asawa ko. Kay Xena, nag-aagaw buhay siya ngayon at natatakot ako...n-natatakot ako na baka tuluyan nang mawala siya sa akin. Hindi ko kaya.
"Kierson," dinig kong tawag sa akin ni Cyan. Humahangos pa siya nang lumapit sa akin.
"Sir, ayaw po niyang magpagamot."
"Kierson, ano ka ba?! May sugat ka, kaya magpagamot ka na muna! Look at yourself, namumutla ka na," Cyan said, nasa boses niya ang iritasyon at hinila ako sa braso para tulungan niya akong makatayo.
"I don't want to leave here, Cyan."
"Xena will gonna be fine, Kier. She's strong and she can do this. Malalampasan niya ito, just trust her, man," he said but I don't have the confident to believe that.
Masyado nang mahina ang heartbeat ni Xena kanina at patuloy pa rin ang pag-agos ng mga dugo niya mula sa sugat niya na natamo niya sa aksidente.
At natatakot ako na baka...pati ang bata. I held Cyan's arm.
"W-Who's the father of her child, Cyan? You know that she's pregnant? I-Ikaw ang madalas niyang kasama..." sambit ko, may pakiramdam kasi ako na baka sa akin ang bata...
Hindi naman masamang mag-assume right? My instinct told me na ako ang ama ng dinadala ni Xena.
"Cyan..."
"Yes, she's 8 weeks pregnant. Reign was always checking her pero hindi namin sinabi sa kanya ang tungkol sa bata..." Cyan said at nanghihina na naman ang katawan ko.
She's 8 weeks pregnant at ako...ako ang ama. I can say that, dahil isang buwan pa lamang ang nakalipas noong naghiwalay kami.
"F-ck, my wife is pregnant..." Nahati sa saya, takot, sakit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
This is her dream, ang magkaroon ng sariling anak pero bakit ngayon pa? B-Bakit ngayon pa ito nangyari sa kanya?
Baka...baka pareho silang mawala sa akin. Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at umiyak na naman.
"Sana sinabi na lang namin, eh 'di sana naging aware siya at maingatan naman niya ang sarili niya. Reign and I was there for her, inalagaan namin siya at pinaiwas sa mga bagay na maaaring ikapahamak niya but..."
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...