CHAPTER 12

4.1K 84 3
                                    

Chapter 12: Cheating & Argument

MAGKATABI kaming natulog kagabi at tama nga ang sinabi niya sa akin na bibigay rin ako.

Pagkatapos kasi nang habulan namin at nagawa niya akong hulihin ay walang sabi-sabi na binuhat niya ako at dinala sa loob ng silid namin. Halik lang iyon dapat pero nauwi sa...napahinga ako nang malalim nang maalala ko naman ang nangyari sa amin kagabi.

Mabilis na tumaas kagaad ang dugo ko sa mukha ko. Uminit ito at alam kong namumula na.

Pinilig ko na lamang ang ulo ko dahil baka ma-late na naman ako sa work ko. May case na akong hahawakan ngayon. I wearing my white  sleeveless, and blue mini-skirt. Three inches ang taas ng strap high heels ko.

Napaawang ang labi ko nang makita ko ang leeg ko. Ang daming kiss mark! Binalingan ko ang lalaking  mahimbing na natutulog sa kama namin. Nakadapa lang siya at walang kahit anong suot sa katawan. Kundi ang puting kumot namin. Nakikita ang malapad na likod niya. Magulo ang buhok at napalunok ako nang makita ang bakas ng kuko ko roon.

"Tarantado," mahinang bulong ko at nagpalit ako ng damit pang-itaas. 

Turtle neck na ang suot ko at may white coat ang nakapatong.

"Hindi ba't hindi pa magaling ang paa mo?" Muntik na akong mapatalon nang bigla-bigla siyang magsalita. Tulog lang siya kanina.

"Naka-suot ka pa ng mataas na sapatos," kunot-noong sabi nito.

"Nagawa ko ngang tumakbo kahapon," parang baliwalang saad ko.

Naghabulan kami kahapon, 'di ba? Kaya nahuli niya rin ako kaagad. Siguro sanay na ako? Kasi kapag may mga sugat at masakit sa katawan ko, pain reliever lang ang katapat ko. Parang magaling na ako kaagad. Tinanggal ko na nga ang benda sa magkabilang paa ko, of course iniwan ko ang band-aid kaya medyo visible pa ito sa sandals ko. Ramdam ko naman na medyo kumikirot ito pero kayang-kaya ko pa. Saka wala ng dugo ang lumalabas mula sa sugat ko. Kaya keri ko pa.

Nakaupo siya sa gitna ng kama at nakasandal sa headboard nito. Namumungay pa ang mata niya at medyo namamaga ang mapula niyang labi. At dahil nga nakaupo siya at hanggang baywang niya lang ang kumot ay nakita ko na naman ang pandesal niya sa tiyan niya. 6 packs abs.

"Aren't you going to your work, today?" I asked him. Sinuot ko na ang sunglasses ko.

'Yong mansion namin ay pinaghandaan ng parents namin. Kung kaya't lahat ng mga gamit namin ay nandito na lahat. Maayos nang nakalagay sa walk-in closet namin.

"Later in the afternoon. Are you sure, you okay now? You're not sore or something?" Napa-face palmed na lamang ako at kinuha ko na ang handbag ko.

"I need to work, now. I'm fine," I said.

In my peripheral vision ay nakita kong tumayo siya at tinapis niya lang sa baywang niya ang kumot. Lumapit siya sa side ko. Mula sa malaking salamin sa harapan ko ay nakita ko siya na nasa likuran ko.

"Tell me, sino ang nakauna sa 'yo?" tanong niya sa akin kaya kinabahan ako.

Pinulupot niya ang magkabilang braso niya sa baywang ko at niyakap ako from behind.

"You're not a virgin, anymore when I took you last night. What a lucky bastard," I heard him cursing. Yeah, you're such a lucky bastard. You took my virginity years ago, dimwit. But sad to say, you didn't even remember that. Kinalimutan mo rin naman ako.

"Does it matter?" walang buhay na tanong ko sa kanya at umiwas ako nang tingin sa salamin. Para akong napapaso sa titig niya kahit salamin lang 'yon.

"It does, but it didn't shock me. We are now in a modern world at bihira na lang ang mga babaeng, you know," aniya and finally kumalas na siya sa pagkakayakap mula sa akin.

Hinarap ko siya at nginisian, "I believe it doesn't matter. Kung mahal mo ang babae ay wala ka ng pakialam kung virgin pa ba siya o hindi na," usal ko at tumaas naman ang sulok ng labi niya.

"It does matter to me. Asawa kita and knowing my wife na hindi na pala virgin ay tila inapakan na no'n ang pride ko," malamig na wika niya.

"Mens like you, hindi na nakakagulat. Ganyan talaga kayong mga lalaki, judgemental. Eh, kami ba? Nagreklamo ng hindi na kayo virgin?"

"May ganoon?" natatawa niyang tanong sa akin. I glared at him at humakbang na ako patungo sa pintuan para makalabas na.

Umagang-umaga pa lang ay pinag-iinit na niya ang ulo ko, "Baby, hindi ka ba magbe-breakfast? Alam kong hindi ka marunong magluto kaya suwerte ka sa akin. I can cook for you," pahabol na sabi niya.

Minsan, hindi ko siya maintindihan. Minsan ang sweet niya sa akin. Pero madalas mukha siyang galit sa akin at walang pakialam.

"Baby! Sana ginising mo na lang ako para maipagluto kita! Masamang magtrabaho na walang laman ang sikmura!" sigaw pa rin niya but I just ignored him.

Hindi ko na talaga naiintindihan ang ugali niya. Paiba-iba. Pero gusto ko 'yong malambing siya sa akin at tila mahalaga ako sa kanya. Pero lolokohin ko lang ba ang sarili ko?

May babae na siyang minamahal at hanggang ngayon ay hinahanap pa niya. Sino naman kaya ang masuwerteng nilalang na iyon?

Sumakay na ako sa Ford Ranger ko at nag-drive sa working place ko. Sana...sana maalala pa niya ako. Hays.

***

"CONGRATULATIONS, Attorney Carter," my senior mentor greeted me nang napalunan ko ang first case ng client namin.

It was case about murderer. Unang hatol pa ito at may pangalawa pa at kung may hindi pa naiintindihan o magulo pa ang kaso ay aabutin ng three times.

Ang case na hinahawakan ko ay ang pagpatay sa asawa ni Mr. Robert, mayaman ang pamilya nila at may isang anak na. Isa sa suspect ko ang asawa ng biktima. May iilan kasi akong nababasa sa report na may kalaguyo raw ang biktima at baka ang asawa nito ang pumatay. Pero puwede rin na hindi kasi pareho naman silang nagtataksil sa isa't-isa. Dalawa pa lamang ang suspect at ang pinaka-main ko ay si Mr. Robert.

"Thank you, sir," pagpapasalamat ko at tipid na ngumiti na lang ako.

Kay papa ang firm na ito at balang araw ay ako na ang hahawak nito. Kinuha ko kasi ang mababang position bago ako maging presidente ng firm na ito.

Dumiretso ako sa comfort room at pumasok na sa cubicle. Wala pang isang minuto ay may narinig na akong kaluskos at mahihinang daing ng isang babae. Naging alerto ako pero bigla rin akong kinabahan. P-Parang...ganito rin ang nararamdaman ko noong nakaraan.

"Are you sure na hindi ka pa married?" narinig kong tanong ng babae.

"No, I don't have a ring."

Mariin na napapikit-mata ako dahil nakilala ko na ang lalaking kasama nito. Naikuyom ko ang kamao ko at sumisikip na naman ang puso ko. Bago pa may mangyari sa kanila at maririnig ko na naman ay mabilis na lumabas na ako.

Napahiwalay silang dalawa at namilog ang mga mata ng asawa ko sa akin, "X-Xena..."

"Hanggang dito ba naman ay dinadala mo pa 'yang bisyo mo?" nagtatagis ang bagang na sambit ko.

Sinulyapan ko ang babae at namutla siya nang makita ang hitsura ko. Nagtago siya sa likod ng asawa ko at napalitan na ang expression ng mukha nito.

"Remember, do whatever you want. Cheat if you want, just don't do that in front of me. Huwag mong isampal sa akin ang katotohanan na hindi ka kontento sa akin. Continue what you're doing and please... sa akin pa rin uuwi," ani ko saka ko sila iniwan doon.

Pagkasakay ko pa lang sa loob ng kotse ko ay roon na naglaglagan ang mga luha ko sa pisngi. Martyr ba ako? Marupok? Tanga dahil hahayaan ko lang ang asawa ko sa nais nito? Na parang wala lang sa akin kahit mambabae pa siya?

Pero mahal ko siya kaya okay lang sa akin kahit nagagawa niya akong saktan. Okay lang maging martyr. Wala akong magagawa, eh. Used to it, gawain na niya ito.

At hindi niya ako mahal kung kaya't hindi ko mababago ang bisyo niya. I took a deep breath at tinawagan ko si Lay.

"I'm going to your club," sabi ko at binaba na ang tawag saka ako nagmaneho.

Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon