CHAPTER 53

7.1K 102 7
                                    

Chapter 53: Visitors & Discharge

"WHAT are you doing here?" bungad na tanong ni Kierson sa mga kaibigan niya at halos magsalubong ang kilay niya dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

Nandito lahat ang mga kaibigan niya at ang isa ay hindi pamilyar sa akin. Pero kamukha ito ni Cervin. Ah, baka si Hirone Gabriel.

"Hi, nagdala kami ng fresh fruits dito. You must be, Xena, right? Ang iniyakan ng gago naming kaibigan," mahinang usal ng lalaking may singkit na mga mata. Siya ang may mas maamong mukha na kung titingnan mo ay takot magkasala at mukha siyang mabait. Magaan kausap at palangiti ito.

Siya si Dr. Taki O. Cheng, but of course hindi ko puwedeng sabihin iyon sa kanila at baka malaman ni Kierson ang fake amnesia ko.

"Yes and you are?" kunwaring tanong ko at seryoso ko lang siyang tiningnan.

"Dr. Taki O. Cheng. Just call me, Taki, Mrs. Mojeh," sabi pa niya at napangiti pa siya, ginawaran ko naman siya ng matamis na ngiti.

"Dr. Jaickel Sanre Amero," pakilala naman ang isa. Guwapo rin ang isang ito, kaya pala patay na patay sa kanya ang kaibigan kong si Miamor.

"Hiro, Hirone Gabriel McLarren. Cousin of Cervin, and this one is Lervin de Cervantes," ani naman ni Hirone. So, tama nga ako na pinsan siya ni Cervin.

"Sasaglit lang talaga ako, Xena, eh. Binabantayan ko kasi si Shin dahil naghihintay kami sa operasyon niya," pahayag ni Cervin sa akin at tila hindi pa nga siya mapapakali.

"Operation? P-Para saan? Ooperahan ba si Marshin?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at tumango siya, malungkot na ngumiti rin siya.

"Stomach cancer. Hindi lang mapapaaga ang operasyon niya dahil sa a-anak namin..."

"What? You impregnate my cousin? How dare you?!" nanlilisik na asik ko sa kanya at napakamot pa siya sa kanyang batok, bago niya binalingan nang tingin si Kierson na nakaupo lang sa tabi ko.

"I thought she lost her memories? And how come na nalaman mo na pinsan mo si Shin? Eh, sa pagkakaalala ko ay tulog ka na noong nalaman namin ang tungkol kay Shin," anas niya. Kainis, nadulas lang ang dila ko, gago.

"I don't know," sagot naman ang asawa ko.

"Gusto kong puntahan si Shin," sabi ko at hinawakan ni Kierson ang braso ko.

"Baby, hindi ka pa puwedeng lumabas sa hospital. May physical therapy ka pa at kailangan mo pang matapos ang two months therapy. Nakalimutan mo ba na hindi mo kayang maglakad? You're injured, Xena," sabi nito sa akin at napatingin ako sa kanya.

"Okay," pagsuko ko at muli kong binalingan nang tingin ang mga lalaking nasa harapan ko lang at si Dra. Even ay tahimik lang nagmamasid sa amin pero nakangiti naman siya.

"Masaya akong makita kang gising na, Xena," sabi nito sa akin.

"Thank you."

"And you don't have any idea kung ano ang ginawa ng asawa mo noong binitawan ka niya," Jaickel said.

"Jai, stop," Kierson warned his friend, but Jaickel laughed.

"Patawarin mo na siya, Mrs. Mojeh. Ilang balde na ang iniyak niyan at talagang brokenhearted. Nagawa pang uminom ng gamot na inimbento ni Cervin just to forget you... I mean para kumalma ang nagwawala niyang puso," segunda naman ni Lervin. Sa kanilang magkakaibigan ay ang isang ito ang mas tahimik pero hindi naman mukhang suplado.

"And he was addicted to my medicine too, Xena. Muntik na namin siyang i-admit sa Mental Institution. At habang nagmo-move on ka ay uma-attend pa siya ng therapy session niya," Hiro said.

Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon