Chapter 49 : Waking up
"XENA...kailan ka magigising? Si Art ay nagising na, ikaw...mahimbing pa rin ang tulog mo..."
Ang dami mo nang na-missed Xena. Si Shin ay naoperahan na at free-canser na siya. May baby na rin sila, si Lervin nga nag-ampon ng bata.
Malaki na sina Arkus at Xenn, si Kienna ay gusto nang mag-aral. You need to wake up, soon baby...
I kissed her hand before I get up from my chair.
Ang bilis lumipas ng panahon pero si Xena, wala na yatang balak gumising. Mas gusto na ang matulog. Nakakainis. Not that I'm complain. Kaya ko namang maghintay pero hindi ko na kayang makita siyang nagkaka-ganito. Walang pagbabago sa kanya.
Tumayo ako para pumasok sa loob ng banyo at para manghilamos. Naiiyak ako sa tuwing kinakausap ko si Xena. Wala 'atang oras na hindi ko siya iniiyakan.
Nanghilamos nga ako at napabuntong-hininga. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa nangyari kay Xena.
Habang-buhay ko na yatang dala-dala ang guilt ko na sinaktan ko siya at pinaiyak. Binitawan ko siya kahit mahal na mahal ko siya.
Kung hindi lang sana ako naging duwag ay masaya sana kami ngayon. Kasama namin ang mga anak namin.
Pero takot akong akuhin ang isang bagay na hindi lang simple na hindi lang maliit na bagay. Dahil malaking obligasyon, malaking bagay iyon na pati buhay mo ay nakasalalay sa lahat.
Magulo nga ang buhay ni Xena pero simula nang kinasal kami ni Xena ay ro'n na rin ako nakapasok sa buhay niyang magulo.
Mabilis na napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako na tila may nabasag na kung anong bagay sa loob.
Nagmamadaling lumabas ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Maria Conrad.
"What the fvck are you doing?!" galit na galit na tanong ko sa babae at handa na niyang tatanggalin ang life support ni Xena.
Para akong malalagutan nang hininga nang tinanggal na nga niya iyon. Lahat-lahat...
"Fvck!" malutong na mura ko at patakbong lumapit ako sa babae pero hindi ko nagawa nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa batok ko.
Natumba ako at mabilis na umikot ang paningin ko. Mahihimatay ako... Mahihimatay ako... Fvck no... M-My wife...
Kailangan ako ng asawa ko...
Mariin na pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Sobrang sakit ang pagkaka-palo sa batok ko at talagang mawawalan ng malay ang isang tao kung pinalo ito sa batok.
Pero nilabanan ko... Shit... Hindi ako puwedeng himatayin!
Nanlalabo pa ang mga mata ko nang pinilit kong makatayo mula sa pagkaka-salampak ko sa sahig.
"Hayaan mo si Eson! I told you na hindi mo siya sasaktan!" dinig kong saad ni Maria Conrad.
May kasama pala ang t*nginang babae ito. At balak pa nilang patayin ang asawa ko? Sh*t! I won't let you!
"Maria, sagabal sa plano mo ang lalaking ito kung hindi natin patutulugin," dinig kong saad pa ng lalaki na siya 'ata ang pumalo sa batok ko.
Nang luminaw ang paningin ko ay ro'n ko lang nakita ang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang doctor at maging si Conrad ay ganoon din.
"Don't touch my wife, bitch!" I shouted her.
"Kung hindi ka naman magiging akin ay mas mabuti pang mamatay na lang ang babaeng ito!" asik nito sa akin at nanlilisik din ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...