Chapter 23: Compatible, how come?
"HEY are you nervous, baby?" my husband asked me with a worried looks.
Nakahiga na ako ngayon sa hospital bed at naghahanda pa lamang sa pagkunan sa akin ng blood for Kienna.
Yes, I'm nervous. Hindi ko alam kung saan o bakit ako kinakabahan. Hindi naman ako takot sa karayom kasi immune na ang sakit sa katawan ko. Maliit man 'yan o malaki.
Maybe kinakabahan ako for Kienna? Paano kasi nangyari na nagka-dengue siya? Dinadala ba ni Conrad sa ibang lugar na hindi safe ang bata?
Malaman ko lang talaga ay baka mapapalayas na siya ng wala sa oras. At wala akong pakialam kung magalit pa ang asawa ko at mag-away pa kami. Dahil sa kanya ay napahamak ang anak namin.
Hindi naman siya marunong mag-alaga ng bata! She's doesn't deserve na kilalanin bilang ina ng bata! Tsk.
B-But, how come na naging compatible ang dugo namin ni Kienna? Tapos kahit ni isa sa kanila ng biological parents ay walang ka-match ng dugo. Paanong nangyari na ako pa?
Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit at malambot na bagay ang dumampi sa noo ko. Hinawakan ko siya sa kamay niya na at tipid na ngumiti.
"I'm fine... Don't worry about me," malambing na saad ko at sinapo niya ang pisngi ko.
"I'm so sorry, baby. Please forgive me..." Kumunot ang noo ko nang bigla siyang humingi ng sorry sa akin. Biglaan?
Bakit siya nagso-sorry sa akin? Alam ko na marami siyang nagawang kasalanan sa akin pero nakagugulat naman?
"Sorry for what?" I asked him, I made sure that I am serious when I asked that question.
"I want to keep you forever, baby...but--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya sana nang lumapit na sa amin ang doctor.
Hindi ko binitawan ang kamay niya at mas humigpit pa ito, "Let go, baby..." sa nanghihina niyang boses at bakit ako nasaktan sa sinabi niyang iyon?
I knew he referring to my hand. Pero b-bakit feeling ko ay iba ang tinutukoy niya? Na hindi ang kamay ko ang gusto niyang i-let go ko?
For some reason, my heart is breaking into pieces because of that word. Hindi ko na tuloy gustong bitawan ang kamay niya.
"Eson..."
"I'm sorry," iyon lang ang huling katagang binitawan niya after that at dinala na ako sa room ng anak namin.
W-What was that, Eson?
Bakit may masama akong kutob? Bakit tila nasasaktan ako sa sorry niya? May meaning ba iyon? O nag-o-overthink lang ako?
Tila tinutusok ako ng maraming karayom sa puso nang makita ko si Kienna. May namumuong mga luha sa mga mata ko at para akong kakapusin ng hininga. Ang makita ko lang si Kienna na nakahiga sa kama at walang malay ay para na akong mamamatay. Naka-oxygen mask siya at maputla ang balat.
"At this moment, I am still doubting about the three of you. Kung titingnang mabuti. Sila ang tunay na mag-asawa kung hindi ka lang kasama. But you claimed that you are the mother pero bakit sinabi ng isa na siya ang magdo-donate ng dugo for the patient? And for me, I can say that you are the mother of the child. Malaki man ang similarity ng bata sa ama nito ay hindi naman nalalayo ang mukha mo sa kanya. She have your... eyes," sabi niya at ako naman ang nagulat.
Lumalakas ang tambol sa dibdib ko. That's impossible. Pero nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na nakuha ni Kienna ang mga mata ko? Ewan ko kung paano'ng nangyari iyon. Pero naisip ko lang na pinaglihian ako ni Conrad.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...