Chapter 43: The biggest revelation ever
A/N: Hinga muna nang malalim, dudes. Haha!
***
"MAGIGING maayos din ang lahat, Kier. Matapang si Xena, sinasabi ko sa 'yo, kaya dapat positive ka lang. Malalampasan din ito lahat ni Xena. May pinagkukuhanan na siya ng lakas ngayon, kaya tahan na, Kierson," pang-aalo niya sa akin at kumalas siya sa pagkakayakap namin sa isa't-isa. Pinunasan pa niya ang mga luha ko.
"Iba kang umiyak compared kina Lervin. Mas okay-okay ka pa nga dahil hindi ka naglalaklak ng alak pero gamot naman. Si Lervin ay muntik ng magpakamatay, si Cervin naman? Oh, hindi pa rin mahanap-hanap si Shin. Si Xena, magigising pa 'yan. Sasapakin ka pa no'n ng 360°. Hindi puwedeng hindi siya gaganti sa pananakit mo sa kanya," pangdadaldal na naman niya sa akin.
Inabutan naman ako ng bottled water ni Cyan. Seryoso lang facial expression niya.
"What?" tanong ko na parang may sasabihin kasi siya sa akin. Hindi lang masabi-sabi.
"We need to talk about, Xena," saad nito.
"W-What about my wife?" muling tanong ko sa kanya at sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.
Si Even na dakilang tsismosa rin ay sumunod din sa amin ni Cyan.
"Hindi nga ako magpapakamatay! Aksidente lang ang nangyari!" Nadatnan naman namin ang boyfriend 'kuno' ni Xena na may kausap na ibang babae at parang nag-aaway pa sila.
"Is everything alright?" Cyan asked them. Sumulyap lang ang lalaki sa kanya at muling tumingin sa babae.
"Kung aksidente lang ang lahat, bakit 'sakto sa palapulsuhan mo pa?!" pagalit na tanong nito sa babae at nagdadabog na pumasok sa isang private room ng hospital na sumunod din naman ang lalaki at doon nagsisigaw.
"M-May babae ba ang boyfriend ng asawa ko?" Nakakailang na tanungin iyon sa totoo lang at tila may bumabara sa lalamunan ko.
"Hindi siya boyfriend ni Xena. That was all an act," sagot ni Cyan sa akin at napatulala na lamang ako.
Hindi naman pala niya girlfriend ang asawa ko! Sh-t! Pinaniwala nila ako na nakahanap na ng ibang lalaki si Xena. F-cking sh-t.
"Chill, dude," Even said and tapped my shoulder.
"D*mn you, Cyan! Fake news ka," iritadong saad ko kay Cyan pero tinawanan niya lamang ako.
***
"Here, basahin mo 'to." Kinuha ko naman ang isang folder na inabot sa akin ni Cyan pagkarating namin sa silid kung saan nakatulog ako ng dalawang araw.
"What is this?" salubong ang kilay na tanong ko.
Umupo ako sa hospital bed at tumabi naman sa akin si Even, nakaakbay pa sa akin.
"Basahin mo na lamang," walang buhay na sabi lang ni Cyan.
Kaya binuksan ko na lang ang folder. Ito 'yong pinirmahan ko and the rest ay si Cyan na ang nag-fill out ng form dahil wala ako sa kondisyon sa mga oras na iyon.
"Maria Xena Carter-Mojeh," basa ko sa pangalan ng asawa ko.
"Ano'ng mayroon dito?" I asked once again.
"Stup-d, can't you see that?" tila nauubos na pasensiyang tanong sa akin ni Cyan at napamasahe siya sa sentido niya.
"Maria Xena... Maria rin, 'di ba ang surrogate mother ng anak mo?" untag na tanong sa akin ni Even.
Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ang gustong iparating sa akin ni Cyan sa pamamagitan nito.
"M-Maria Xena... N-Ngayon ko lang nalaman ang first n-name niya, M-Maria," utal-utal kong saad.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...