CHAPTER 42

6.7K 82 2
                                    

Chapter 42: Baby's heartbeat

"NAGING duwag ako, Even. Naging duwag ako. Nagsakripisyo na ako at nagawa ko pa siyang saktan. I'm a worth it, Even? I think hindi na ako karapat-dapat pa para sa kanya. Ang d-dami ko ng kasalanan sa kanya," saad ko at muli na naman akong bumuntong-hininga.

"Finish you foods first, Kier bago ka mag-drama riyan. Saka oo na, nagkasala ka sa asawa mo. Nasaktan mo siya, pareho lang kayong nasaktan. Natural na iyon at walang perpektong relasyon, may magkakasala talaga. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari sa kanya."

"Ako na sana... Ako na lang sana ang nasa kalagayan niya, Even," I said.

"No, hindi niya iyon hahayaan. Hindi rin matutuwa si Xena kung ikaw naman ang nasa kalagayan niya. Stop blaming yourself, Kier. No one's perfect, lahat tayo ay may naaapakang tao. May nasasaktan ng dahil sa atin. Saka parte na 'yan ng pagmamahal. Nagkakasakitan tayo, 'di ba kaya ka nag-let go ay dahil sobra ng wasak na wasak ang asawa mo? Nag-let go ka para makapag-move siya, kayo at kung maghihilom na ang mga puso niyo ay alam kong hahanapin niyo pa rin ang isa't-isa. Kaya sa ngayon, magpakatatag ka, Kierson. Hindi puwedeng mahina ka dahil alam ko na ikaw ang magbibigay ng lakas para kay Xena, na lumaban at mabuhay. Kung kailangan mo siya ay mas siya ang nangangailangansa 'yo."

"Saan mo naman nakuha 'yan? Mahal ka na ba ni Taki?" sa halip na iyon ang naitanong ko.

Nauunawaan ko na ang sinabi niya at kahit papaano ay gumaan ang bigat sa dibdib ko.

"Mga t-rantado talaga kayo nina Cervin! Ewan ko sa inyo," ismid na saad nito sa akin.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko at sumisinghot pa na parang bata.

"After this ay matulog ka na muna, nakabantay ka raw ng 24 hours. Kayo ng mga kaibigan mo," saad pa niya.

"Hindi ko kaibigan si Cyan at ang kasama niyang lalaki," may pagka-iritang sambit ko at napahinto ako ng may naalala ako, "at paano mo naman nalaman ang nangyari kay Xena?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Nakatutok na sa kanya ang buong atensyon ko. 

"Sources, Kier," mayabang na sagot niya at ngumisi pa sa akin.

I shook my head at yumuko ako sa gilid niya sabay punas ng bibig ko ng laylayan ng damit niya.

Kumunot lang ang noo niya nang makita ang ginawa ko sa shirt niya at umiling.

Sa aming magkakaibigan, na si Evenna lang ang nag-iisa naming kaibigan na babae. Minsan mapang-asar sa amin pero madalas parang nanay at ate namin 'yan. Ang manhid nga lang ng kaibigan kong si Taki at hindi siya mapansin-pansin kahit ilang lalaki na ang lumapit sa kaibigan naming babae para lang ligawan ito.

Kinuha na sa akin ni Even ang pinagkainan ko at inilagay ito sa sahig saka niya tinapik-tapik ang paa niya.

"Idlip ka na muna, kahit isang oras lang. Ang laki na ng eyebags mo at bumibigat na rin ang talukap ng mga mata mo," aniya at katunog niya ang mommy kung pinapangaralan ako.

Walang imik na humiga ako sa paanan niya at pumikit. Parang ngayon ko nga lang naramdaman ang pagod ko at bumibigat na rin ang katawan ko.

Even caressed my hair and humming something, kaya unti-unti akong nakatulog.

I just woke up, the next day at nasa private room na ako. Nanghihina pa ang katawan ko kaya nahihirapan akong bumaon. Napatingin ako sa kanang kamay ko, may dextrose na ako na ikinagulat ko pa.

8:12 AM, nang sipatin ko ang wall clock sa loob at may natutulog pa sa coach. Si Cyan, kahit nakatalikod siya ay alam kong si Cyan iyon.

Namimigat din ang sugat ko pero hindi na masyadong masakit. Bumukas ang pinto at pumasok doon si Even. Ngumiti siya nang makitang gising na ako. 

Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon