Chapter 18:Tears
PAGKAUWI KO sa mansion namin ay kaagad na tinungo ko ang pool. Hinubad ko ang damit ko at iniwan ko lang ang undergarment ko.
Bumagsak sa floor ang sunglasses ko at wala na akong pakialam kung expensive pa ba ito.
Saka ako lumusong sa ilalim ng malamig na tubig. Magpapalamig ako ng ulo at baka hindi ko matansya ang babaeng iyon. Baka mapatay ko siya ng wala sa oras at makakalimutan ko rin na may sanggol sa sinapupunan niya.
Hindi pa nauubos ang pasensiya ko sa lagay na ito, ha? Makikita talaga niya ang bagsik ko sa mga katulad niya. Pabalik-balik lang ang paglangoy ko hanggang sa mapagod ako ay nanatili ako sa ilalim ng tubig.
Gusto kong mag-isip. Tahimik sa ilalim kung kaya't nagugustuhan ko ang pakiramdam na ito. Nawawala ang bigat sa dibdib ko at nakakalimutan ko ang realidad.
Nakapikit ang mga mata ko at dinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko.
"Come up, Xena." Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ng asawa ko.
Nakauwi na sila kaagad? Dimwit, gusto ko pang mapag-isa. Ayoko pang makita ang pagmumukha niya.
Bumalik tuloy ang bigat sa dibdib ko. Panira talaga ng moments kahit kailan ang walang niya na ito.
"I said come up, Xena!" dinig kong sigaw pa niya pero hindi ko siya sinunod.
Nanatili pa rin akong nakapikit sa ilalim ng malamig na tubig. "Don't try to lose my patience, Xena. Come up, and let's talk."
Katahimikan...
Well, let's see what you can do, Eson. One thing I knew ay nasa tabi ko na siya at hinawakan niya ang baiwang ko para makaahon kami.
Awtomatikong napayakap ako sa leeg niya. Naramdaman ko kaagad ang init na nagmumula sa katawan niya. He's half-naked.
"I'm sleepy," I whispered.
Hinawakan niya ang magkabilang hita ko at pinulupot niya ito sa baiwang niya saka ko naramdaman ang pag-ahon namin mula sa pool.
I rested my head on his shoulder at huminga nang malalim. "I'm sorry, baby..." I heard him saying before I drifted into the deep sleep.
Waking up one morning, feeling empty and brokenhearted. Noong wala ba ako, ganito rin ba ang ginagawa ni Eson kay Conrad?
Katulad din noong dumating sa buhay namin ang babaeng ito. Nakakasira ng umaga.
Napasandal ako sa pader at pumikit. Naririnig ko ang mga boses nila. Ang malambing na boses ng asawa ko.
Bakit nga ba hinahayaan ko lang sila? Bakit nga ba hindi ko pinaglalaban ang karapatan ko?
Pero ano nga ba ang kaya kong gawin? Na kahit mismo ang asawa ko ay pagtatabuyan ako pagdating kay Conrad. Ipapahiya ko pa ba ang sarili ko sa kanila?
Marahan na hinampas ko ang ulo ko sa matigas na pader habang kumakawala ang malulutong na mura ko.
Hanggang kailan ako ganito? Hanggang kailan aabot ang sakit sa puso ko na dulot nito ang asawa ko? Hanggang kailan ako magpapa-martyr? Hanggang sa umabot ako sa puntong ubos na? Ubos na ubos na ako at hanggang sa susuko na lamang ako?
Aabot pa ba ako sa puntong ipaglalaban ulit siya? O hindi na?
"Mamaya, aayusin ko ang magiging kuwarto ng anak natin," ani Conrad. Ayoko sa boses niya, masyadong mahinhin. Parang isang boses ng anghel na napakalambing nito.
"I can help you, Maria. Maaga akong uuwi mamaya. May gusto ka bang kainin? O katulad din ng pasalubong ko sa 'yo ang gusto niyong kainin ni baby?"
Umalpas ang luha ko mula sa mga mata ko. Parang ang normal, tila sila talaga ang totoong mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED)
RomanceGenre: Romance & Drama Maria Xena Carter, a mafia queen married to a playboy doctor, who does nothing but play with women. She tried to be a good wife to Kierson, so that she would be more worthy of his love but she failed to give him a kids that sh...