CHAPTER 21

4.8K 75 0
                                    

Chapter 21: Hit and Run

PADABOG na umupo ako sa shot gun seat ng kotse niya. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko sa kanya kanina lang.

Tapos sasabihin pa niya na disappoint siya sa akin? Goddamn it, fvcktard! Hindi man lang niya alam ang mararamdaman ko kung makikita ko ang babaeng iyon na makakasama namin? Urgh!

"Wear your seatbelt, Xena," I heard him saying those words. Yikes, I just rolled my eyes and ignore him.

I hate him. Tapos Xena na ang tawag niya ngayon sa akin? Nasaan na ang baby?! Shet talaga.

These past few days ay mabilis na ring uminit ang ulo ko. Dumagdag lang ang tarantado kong asawa at ang pangit na mukha ni Maria Conrad.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya na tila suko na siya sa katigasan ng ulo ko.

Hinawi ko palayo sa akin ang kamay niya noong sinubukan niyang isuot sa akin ang seatbelt.

"Xena," mariin at malalim ang boses niya nang bigkasin niya ang pangalan ko, na may pagbabanta pa sa kanyang tono. Pero nanatili pa rin akong walang kibo at nasa labas lang ng bintana ang mga mata ko nakatutok.

Ayokong makita ang pagmumukha niya. Mas naiirita lang ako lalo.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Napaismid ako nang itanong iyon ni Conrad.

Ang gaga, manhid ba siya at hindi niya nararamdaman ang bigat ng atmosphere sa loob ng kotseng ito?

Ang walang hiyang babae. Isa pa 'to. Hindi ba niya alam na dapat pamilya lang?! Pamilya lang dapat ang nagbabakasyon at hindi siya kasama roon!

Isa lang siyang katulong sa mansion namin! Oo, katulong na siya dahil tapos naman na talaga ang role niya. Pero ang gaga, natuto pang maglinis at magluto para lamang mapansin siya ng asawa ko. Tsk.

Iyon ang ways niya dahil alam niyang wala akong talento pagdating sa kusina. At hindi ako sumubok na gawin iyon lahat. Bakit? Parang sinabi ko na tinatanggap ko na ang imaginary challenge niya. Na nakikipagkompetisya­ ako sa kanya. Duh, in her fvcking dreams...

"Hindi tayo aalis kung ganyan ka pa rin, Xena," he said in flat tone. I rolled my eyes again.

"What do you want me to do?" malamig na tanong ko sa kanya pero hindi ko siya sinulyapan.

"Xena, what's wrong with you? Bumabawi na ako, 'di ba?! Dalawang taon na akong bumabawi sa 'yo pero bakit ganyan ka pa rin sa akin?!" Ngayon ay hindi na niya napigilan ang sarili niya na pagtaasan ako ng boses. Dahil parang nauubusan na rin siya ng presensiya sa akin.

Fvcking shet!

Marahas na binuksan ko ang pintuan ng sasakyan niya at buong puwersa ko rin itong isinara. Wala akong pakialam kung masisira ang kotse niya!

Nakakainis!

"Shet! Where are you going now, Xena?! Xena!" tawag niya sa akin pero nagdire-diretso lang ako sa paglalakad sa subdivision at hindi ko talaga siya papansinin.

Bahala siyang maputulan ng ugat diyan sa kakasigaw sa pangalan ko. Tangina niya.

"Xena! Fvck! Fvck! Bumalik ka!" sigaw pa rin niya.

Isang mabilis na itim na sasakyan ang biglang tumawid sa direction ko pero huli na bago pa man ako makaiwas. Masyadong mabilis, eh...

Hindi ko pinikit ang mga mata ko dahil hinahanda ko ang sarili ko sa paparating na sasakyan. Unang nabangga ang kaliwang paa ko at nagpagulong-gulong pa ang katawan ko sa hood ng sasakyan nito.

Gloom Series 3:Beautiful Imperfections (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon