Kabanata 1 : Dating

1.3K 46 6
                                    

Book 2
Kabanata 1 : Dating
El Casa

"Ano ba?" sabi ni Kim habang sinusundan siya ni Ion kanina pa.

"Anong ano ba?" sabi ni Ion

"Bakit ba kanina ka pa sunod ng sunod?" inis na sabi ni Kim

"Anong sunod ng sunod? Escort ako dito, at dito talaga ang daan ko papunta sa training room?" walang emosyon na sabi ni Ion

Napataas ang kilay ni Kim pero hindi na siya nagsalita at tinalikuran na si Ion para umalis.

"Sandali lang." sabi ni Ion kay Kim sabay hawak sa braso ni Kim at pinaharap ito sa kanya

"Bakit?" wlang emosyong sabi ni Kim

"Walang nangyari." seryosong sabi ni Ion

Napahingang malalim si Kim saka ito nagsalita.

"Hindi ko tinatanong at buhay mo iyan kaya wala akong pakialam. Isa pa trabaho mo 'yan at choice mo ang kung anong gagawin mo." kalmadong sabi ni Kim

"Walang nangyari." ulit ni Ion na ikinatitig ni Kim sa binata

"Wala nga akong tinatanong at hindi mo kailangan magpaliwanag dahil wala tayong relasyong dalawa." sabi ni Kim at akmang tatalikuran nito si Ion ng hawakan siya uli ni Ion sa braso at iharap dito.

"Walang nangyari." ulit ni Ion kay Kim na ikinatitig muli ni Kim kay Ion

"Walang nangyari." ulit uli ni Ion pero hindi na umimik si Kim na nanatili lang nakatitig kay Ion

"Wala talagang nangyari." napalunok na sabi ni Ion habang magkatitigan ang dalawa.

Kararating lang dalawa mula sa Paris tour kung saan unang sinalang si Ion bilang escort. At kung saan din naroroon si Kim para sa unang booking tour niya nang magrenew ng kontrata sa El Casa bilang escort.

Nagkita ang dalawa sa naturang tour na hindi alam ng isa't isa na parehas silang kinuha ng mga kliyente sa iisang lugar lang pala.

"Cation, gawin mo ang gusto mo hindi kita kukuwestiyunin kaya lubayan mo ako." seryosong sabi ni Kim

"Fuck! Wala ngang nangyari." sabi ni Ion saka nito niyakap si Kim at isinandig sa pader sa hallway ng El Casa.

"Cation." gulat na usal ni Kim

"Walang nangyari." sabi ni Ion saka nito hinalikan si Kim na ikinanlaki ng mga mata ng dalaga ng marubdob siyang hinalikan ni Ion na halos tila ikadurog ng labi niya

Napapikit ng mariin si Kim sa sakit na nararamdaman sa paraan ng paghalik ni Ion pero ilang sandali lang nagbago ang halik ni Ion na ikinabilis ng tibok ng puso ng dalaga

Hinayaan ni Kim halikan lamang siya ni Ion na tila ninanamnam ang labi niya at nag-eexplore sa kung anong meron doon.

Ilang minuto din ang ginawang paghalik ni Ion at ng hindi tumugon si Kim, huminto ito at bahagyang inilayo ang labi nito sa labi ng dalaga.

"Walang nangyari, pinagseselos lang kita. Nainis kasi ako sayo, pumasok ka sa kuwarto ni Seth." seryosong sabi ni Ion na ikinatitig lang ni Kim sa binata.

.................

Flashback days ago
Paris Tour

"Hahaha, Cation dito tayo." tumatawang sabi ng babae kay Ion na halatang lasing na ito dala ng alak na ininom nila sa party ng gabing iyon.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon