Kabanata 29 : Pagsasama

568 48 8
                                    

Kabanata 29 : Pagsasama
One Week Later
Madlangbayan's Residence

"Papa dito po." sabi ni Uno kay Ion habang buhat ng ama nito si Kim.

Napatingin si Ion sa paligid, nagbago na ang itsura ng bahay kung nasaan sila ngayon. Ibinigay na niya ang bahay na iyon sa pamilya ni Kim, simple lamang iyon dati pero ngayon halatang napa-renovate na.

"Pinalakihan ko iyong bahay, noong nagkapera na ako. Ginawa ko hanggang third floor." sabi ni Kim ng mabasa ang nasa isip ni Ion.

Napangiti si Ion ilang taon rin siyang hindi nakapunta doon, at hindi niya inaasahan sa pagtatrabaho ni Kim sa Casa pinapaayos at pinapaganda nito ang bahay na ibinigay niya.

"May taniman sa likod bahay, iyong lupa na katabi nito binili ko para pagtaniman nila tatay at nanay, tapos iyon ang tinitinda nila sa palengke. May puwesto sila sa palengke at iyon ang pinagkakakitaan nila." sabi ni Kim.

Hindi umimik si Ion pero nakangiti ito sa sinabi ni Kim

"Papa dito mo ilagay si Mama. Kukuha lang ako ng maiinom." sabi ni Uno kay Ion na ikinatingin ni Ion sa anak.

"Nasaan ang lolo at lola mo?" tanong ni Ion kay Uno.

"Nasa palengke po, tapos sila tita at tito nasa school." sabi ni Uno.

Isang linggo ang nakalipas, ng tumira si Uno sa bahay nila Kim. Samantalang si Ion ay nakitira sa Villa Ysmael kung saan naroroon ang tita Emerald niya ang kapatid ng ama niyang si Aquila.

"Ganoon ba? Okay sige." sabi ni Ion saka umalis si Uno patungong kusina.

Inilapag ni Ion sa sofa sa may sala si Kim at inayos ito. Nakabenda pa ang ulo at leeg ng asawa pero bahagya ng naigagalaw ni Kim ang leeg nito na ikinatuwa nila. Sariwa pa ng kaunti ang sugat ni Kim, diabetic ito kaya iniingatan nila na maimpeksyon.

"Alam nila tatay na dito ka titira, doon tayo sa third floor pinagawa ko iyon para sa amin ni Uno." sabi ni Kim.

Pinagmasdan muli ni Ion ang bahay, maganda na iyon sa modern house na pagkakadesenyo. Maganda rin ang mga muwebles na alam niyang pasadyang pinagawa o malamang nga ang tatay ni Kim ang gumawa dahil karpintero ito.

Nakadagdag din sa ganda ang mga kurtina na halatang may babae na nakatira doon, na malamang pasadya at gawa ng nanay ni Kim na isang sastre.

"Okay ba? BInago ko iyong bahay mo." sabi ni Kim ng wala man lang sinagot si Ion sa mga tanong niya o reaksyon sa mga sinabi niya.

Napatingin si Ion kay Kim at ngumiti ito.

"Maganda." nakangiting sabi ni Ion.

"Pinaayos ko ang bahay noong makuha ko iyong full payment ko sa unang kontrata ko. Milyon din ang ginastos ko dito pero masaya ako kasi nabigyan ko ng maganda at maayos na bahay ang pamilya ko. Kaya hindi rin ako nagsisisi at pumasok ako sa Casa. Lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko natupad ko. At mula ng magtrabaho ako sa Casa, hindi na nila naranasan ang mangutang o walang makain o kaya mag-isip kung saan kukuha ng pera." sabi ni Kim na napaluha ng maalala ang kahirapan na naranasan ng pamilya niya.

Napatitig si Ion kay Kim saka nito nilapitan at sinamahan umupo si Kim s asofa.

"Sorry uli, dahil sa lahat ng pagsusumikap mo mapasaya ang pamilya mo at maabot ang pangarap mo para sa kanila, nailagay pa kita sa alanganin." sabi ni Ion.

"Pinatawad na kita. Ang gusto ko at naiisip ko ngayon ay mabuhay ng masaya dahil hindi natin alam kung saan tayo aabot. Gusto ko mula ng mapatawad kita ay ang maramdaman ko ang kapayapaan at kaligayahan na pangarap ko para sa sarili ko. Gusto ko, sa pagdaan ng mga araw maging lalo akong kapaki-pakinabang sa pamilya ko at sa mga taong naniniwala sa akin." sabi ni Kim.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon