Kabanata 3 : Moves

524 37 3
                                    

PLAGIARISM is a CRIME

Do NOT Copy

Original novel by Rose Chua

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Kabanata 3: Moves
El Casa, El Paradiso
Training Room, Hours Later

"Ano ba?" sabi ni Kim kay Ion na kanina pa siya tsitsansingan.

"Ano na naman?" sabi ni Ion kay Kim.

"Ang hawak ay sa baywang lang pero bakit ang taas ng hawak mo?" inis na sabi ni Kim dahil kanina pa sila nag-eensayo at kung hindi lang isa sa may-ari ang lalaking kapartner niya baka sinabon na sila ng choreographer dahil kanina pa sila umuulit sa practice sa kakalikot ng kamay ni Ion sa katawan niya.

"Baywang naman iyon." sabi ni Ion kay Kim.

"Hindi baywang iyon, sa breast ko na iyon. Malapit ka na nga sa kili-kili." sabi ni Kim kay Ion.

"Aisssst, ganoon din iyon. Ang mahalaga mabuhat kita pataas." sabi ni Ion.

"Aisssst, hindi okay iyon." sabi ni Kim.

"Bakit?" sabi ni Ion.

"Dahil lahat sila ay sa baywang nakahawak ikaw lang ang sa.... aisssst.

Buweset 'yang daliri mo talagang gumagalaw." namumula sa inis na sabi ni Kim.

"Hahaha. Anong gumagalaw?" sabi ni Ion habang pinagtitinginan na sila ng mga entertainers at choreographer.

"Hays, umayos ka nga dahil napapagod na sila at ako sa kakaulit-ulit natin." sabi ni Kim kay Ion na kung tutuusin kung hindi lang talaga may-ari ang kaharap niya napalayas na ito ng choreographer.

"Ikaw ang nagpapatagal, kung hindi ka ba umaarte di sana tapos na. Gusto mo rin kasi para paulit-ulit tayo" sabi ni Ion na ikinanlaki ng mga mata ni Kim.

"Naiinis na ako sayo." sabi ni Kim sabay hampas sa braso ni Ion.

"Hahaha, kanina pa tayo dito nag-eensayo...

...mga dalawang oras na." sabi ni Ion.

"Tama ka, at same steps pa lang ang nagagawa natin. Hindi tayo makausad dahil sa pesteng kamay mong manyak." inis na sabi ni Kim.

"Asar matapos kita gamutin kanina." sabi ni Ion.

"Salamat sa panggagamot mo. Pero por Dios por Santo naman Cation, minanyak mo nga ako habang ginagamot mo ako pati pa naman sa practice." inis na sabi ni Kim na ikinabulungan ng mga entertainers at escort sa sinabi niya.

"Hahaha." natawang reaksyon ni Ion ng mamula bigla ang mukha ni Kim ng mahinuha ang sinabi nito.

Napatingin si Kim sa paligid at lalong namula ang mukha nito ng magbulungan ang lahat.

"Asar." naluluha sa inis na sabi ni Kim na ikinatigil sa pagtawa ni Ion.

.....................

Flashback hours ago

"Saan tayo?" sabi ni Kim matapos siya bihisan sa loob ng elevator ni Ion ngayon hinihila naman siya nito papunta kung saan.

"Gagamutin kita dahil dumdugo ang likuran mo." sabi ni Ion.

"Okay lang. Titigil din iyan mamaya." sabi ni Kim.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon