Kabanata 26 : Playboy's Ultimate Karma

483 50 35
                                    

Kabanata 26 : Playboy's Ultimate Karma

Days later


"Ang galing nakalimang buwan na ang tiyan mo, ate." nakangiting sabi ni Kyla habang nagtutupi ito ng mga damit na pang infant.

"Ang bilis lang di ba? Apat na buwan na lang makikita ko na ang kambal ko." nakangiting sabi ni Kim.

"Ang sabi ng doctor lalaki at babae din iyan, tulad namin ni Kyle." excited na sabi ni Kyla.

"Kaya nga excited ako may boy at girl akong aalagaan." nakangiting sabi ni Kim.

Napatingin si Kim sa tiyan niya at hinaplos iyon. Nakaupo si Kim sa kama niya habang tinutulungan siya ni Kyla tupiin ang mga bagong damit na nilabhan nila.

"Alam mo ate, masaya ako dahil hindi ka na babalik sa Casa." sabi ni Kyla.

"Ako din naman tutal nakaipon na ako." nakangiting sabi ni Kim.

Tinawagan si Kim kahapon ni Autumn at sinabi ang tungkol sa kontrata niya sa Casa. Nagpadala na rin ng tauhan si Autumn para pirmahan ang mga dokumento niya sa pag-alis sa trabaho. At nagpapasalamat siya na kahit hindi niya nakompleto ang isang taon buo niyang nakuha ang halaga ng kontrata niya.

At ang extension ay hindi naman sinaad sa pinirmahan niya kaya ang kalalabasan hindi talaga siya nag-extend na ikinatuwa niya lalo.

"Anong balak mo pagkalabas ng kambal?" tanong ni Kyla.

"Magnenegosyo na lang ako. Kahit online store para maalagaan ko pa rin ang kambal paglabas. Ang gusto ko kasi hands on pa rin ako sa kanila tulad noong ipinanganak ko si Uno." sabi ni Kim ng biglang napatingin si Kyla sa kanya.

"Speaking of Uno, hindi mo pa ba sasabihin na buntis ka? Mukha kasi na wala pa siyang alam." sabi ni Kyla.

"Hindi muna, saka mukhang wala naman siyang balak bumalik dito. Hahayaan ko na lang muna siya mag-enjoy sa pamilya ng ama niya." sabi ni Kim na bahagyang nalungkot dahil ilang buwan na rin na hindi sila nagkikita ng personal ni Uno at kahit nag-uusap sila sa video call, pakiramdam niya lumayo na ang loob ng anak niya sa isang taon mahigit na nakatira ito sa pamilya ni Ion.

"Malay mo magdesisyon bumalik dito si Uno kapag nalaman na buntis ka." sabi ni Kyla.

"Hindi na. Kasi tingin mo ba hindi pa alam ng pamilya ni Ion. Imposible naman na hindi nila masabi kay Uno, or baka tinatago din nila. Na para sa akin, okay lang din para hindi magkaroon ng stress ang anak ko o alalahanin sa akin." sabi ni Kim.

"O siya, huwag na tayo muna mag-isip kay Uno tutal mukhang sabi mo nga at tingin ko rin okay siya sa pamilya ng ama niya. So, ngayon ang isipin natin iyong kambal mo." sabi ni Kyla

"Tama. At oo nga pala pupunta ako sa OB-Gyne bukas." sabi ni Kim na ikinanlaki ng mga mata ni Kyla.

"Ayyyyy oo nga pala schedule mo for check-up. Pero paano iyon, may pasok ako tapos sila nanay magtitinda sa sa palengke, tapos may pasok din si Kyle." sabi ni Kyla.

"Okay lang kaya ko naman. May sakayan naman ng tricycle diyan sa labasan." sabi ni Kim

"Mahihirapan ka dahil malaki na ang tiyan mo." sabi ni Kyla.


"Magpapatawag na lang ako kay Kyle ng tricycle bago siya umalis tutal, alas otso pa ang pasok niya o kaya sasabay ako sa paglakad sa may labasan sa kanya." sabi ni Kim.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon