Kabanata 16 : Escorts

388 29 17
                                    

Author's Note

Dreame account

mrgt_1218

Thank you sa mga nag follow na sa akin, more novels soon

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Kabanata 16 : Escorts
El Casa
Kinagabihan

"Grabe, narinig mo na ba ang balita?" tanong ng isang escort habang kumakain ang mga ito sa dining area ng mga escort sa boarding house.

Nag-iisa lang si Kim sa mesa ng mga oras na iyon, ng marinig ang bulungan ng mga kasamahang escort na libre na pinapatira sa El Casa tulad niya.

Nasa isang kuwarto sila kung saan ginawa para maging dining or entertainment room ng mga escort. May mga mesa na naroroon na tila nasa restaurant ka, pero para kay Kim tila iyon canteen dahil puwede ka magpasok ng pagkain roon at puwede ka rin magluto kung gugustuhin mo.

Isa rin iyong kuwarto para sa huntahan ng mga escort. Tulad ngayong gabi kung saan naghahapunan si Kim. Pinadalhan siya ni Vladimir ng pagkain sa tauhan nito na siya niyang kinakain ngayon.

"Anong balita?" tanong ng isang escort sa kasamahan nito.

"Ang sabi ng jowa kong taga-Booking department, may booking sked na si Cation for the whole month at alam niyo ba per day ang ginawa ni King sa booking method niya." mahinang sabi ng escort na kinilala ni Kim na si Gail.

"Talaga? So paano ang bayaran?" tanong ni Liza ang kausap ni Gail na escort.

"Milyon ang halaga kada araw ni Cation."sabi ni Gail.

"Ayos ha." nakangiting sabi ni Liza.

"Langya, biruin mo isang araw niya ay milyon na. Grabe di ba?" sabi ni Gail.

"So, araw-araw ibang babae?" sabi ni Liza.

"Oo, at sabi pa ng jowa ko may mga naghihit ng palihim kay Cation at sinusulot ang mga nasa booking na. Kinakausap ng mga ito si King at dinadagdagan ang hitting price na naghit na kay Cation." sabi ni Gail.

"Ibig sabihin kung may naghit ng 1M for that day, may maghihit pa ng mas mataas sa isang araw lang para makuha lang si Cation." sabi ni Liza

"Oo. Pinapalabas ni King na may ibang booking si Cation para maibigay ang escort sa ibang kliyente na may mataas na hitting price." sabi ni Gail

"Wow ha! Pero sabagay masarap din si Cation tulad ni Dark." sabi ni Liza.

"Hahaha, bakit natikman mo na?" natawang sabi ni Gail

"Yes," nakangiting sbai ni Liza.

Napalunok si Kim sa sinabi ng kasamahang escort pero nanatili siya sa kinauupuan para marinig ang kuwentuhan ng mga ito.

"Talaga? Kailan?" tanong ni Gail kay Liza.

"Noong nakaraang araw, quickie lang iyon pero infairness nasarapan ako." sabi ni Liza kay Gail.

"Hahaha! Shoto! Pero gaano naman kasarap?" tanong ni Gail na halatang gusto din nito ang sinasabi ni Liza.

"Masarap, kahit quickie. Ang totoo sa training room namin ginawa habang break ng lahat." kinikilig na sabi ni Liza

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon