Kabanata 24 : Cheater

495 48 42
                                    

Dreame account

mrgt_1218

For more novels soon

Kabanata 24 : Cheater
El Casa
Kinabukasan

"Ano?" gulat na sabi ni Kim.

"Mag bakasyon ka muna daw at iyon ay utos mula kay King." sabi ni Ciao kay Kim

"Bakit?" tanong ni Kim.

"Ang alam ko inaalisa ni King ang kontrata mo, at tingin ko makakalaya ka na sa kontrata mo kasama ni Uno." sabi ni Ciao.

"Bakit nga? Siyempre may rason kung bakit?" naguguluhang sabi ni Kim

Napatingin si Ciao kay Kim, namumutla ang babaeng nasa harapan niya at kahit hindi sabihin may posibilidad na buntis ito dahil maumbok na rin ang puson nito na siyang hinala din ni Autumn.

........................

Flashback
Days Ago
El Casa

"Ako muna dito, doon ka sa kabilang opisina." bungad na sabi ni Autumn kay Ciao na ikinagulat ng binata sa biglaang pagdating ni Autumn

"May problema ba?" tanong ni Ciao kay Autumn.

"Aayusin ko ang kontrata ni Golden." sabi ni Autumn.

"Bakit?" sabi ni Ciao. Tumayo si Ciao at kinuha ang laptop niya sa mesa ni Autumn.

Napahingang malalim si Autumn at agad itong umupo sa silya niya at binuksan ang laptop na dala nito.

"Magkakaroon tayo ng problema dahil tingin ko at sigurado ako na buntis ang escort na iyon." sabi ni Autumn na ikinanlaki ng mga mata ni Ciao.

"Agad?" sabi ni Ciao.

"Aisssst, hindi nag-ingat si Ion at sa ginawa niya inilagay niya tayo sa alanganin." sabi ni Autumn.

"Marami pa namang escort na babae, at hindi lang naman si Golden ang nagdadala o puwede magdala ng pera sa Casa." sabi ni Ciao.

Napatingin si Autumn kay Ciao saka ito nagsalita.

"Kasama si Golden sa kontrata ko sa mga tiyuhin ni Freya, at kapag hindi ko nasolusyunan ang puwedeng ipalit sa kanya baka pati ang pagsasama ni Dim at ni Freya ay magkalamat." sabi ni Autumn.

"Bakit mo kasi sinama si Golden sa kontrata? Anong kinalaman niya at kaugnayan niya kila Dim at Freya?" sabi ni Ciao na pati siya ay naguluhan.

"Isang taon ang kontrata ni Golden, na siyang kinuha ni Vladimir para maging escort nito sa buong taon. Kasama si Kim sa package na sinang-ayunan ko dahil nawala sa isip ko na si Ion ay gagawa ng kakaguhan ng pakasalan ang ina ng anak niya at, hindi ko akalain na matapos iwan si Golden ng nobyo niya sa pagsama at pagbuntis ng lalaki sa ibang babae, nakuha ni Golden na balikan pa si Ion kahit nasa broken stage pa siya sa huling karelasyon niya." sabi ni Autumn.

"Dapat nga inalam mo. Tsk tsk tsk, mahirap iyan." sabi ni Ciao.

"Fuck. Kung alam ko lang sana pati si Ion binigyan ko ng babae na mabubuntis niya." sabi ni Autumn na ikinatitig ni Ciao kay Autumn.

"Anong sabi mo? Bibigyan mo DIN si Ion ng babaeng mabuubuntis niya? So, correct me if I'm wrong ibig bang sabihin ikaw ang nagbigay ng babae doon sa ex ni Kim para makabuntis ito at iwan si Kim, ng sa ganoon makarenew siya ng kontrata sa Casa. Tama ba?" di makapaniwalang sabi ni Ciao na ikinangisi ni Autumn.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon