Kabanata 10 : Asawa na Kita

492 38 11
                                    

Kabanata 10 : Asawa na Kita

Hours Later
Municipality of Tres Islas

"I do." mahinang sabi ni Kim matapos siya tanungin ng judge na nagkakasal sa kanila ni Ion.

Napangiti si Ion sa sinabi ni Kim saka ng binata kinuha ang singsing sa bulsa nito at isinuot kay Kim.

Napatitig si Kim kay Ion, sa bilis ng pangyayari....

......................

Flashback
C-Mall Parking Lot
Hours ago

"Hindi nga puwede Ion." sabi ni Kim kay Ion nang isalya siya nito papasok sa loob ng kotse ng binata.

"Anong hindi puwede?" inis na sabi ni Ion kay Kim.

"Nasa kontrata ko na bawal ako magpakasal." sabi ni Kim.

"O, sige. Babalik na lang ako sa loob para patayin ang gagong lalaking iyon." sabi ni Ion kay Kim.

"Ano ba?" sabi ni Kim sabay hawak sa kamay ni Ion para pigilan itong bumalik sa loob ng mall.

"Anong ano ba?" sabi ni Ion .

"Sumakay ka na nga." sabi ni Kim.

"Tapos?" sabi ni Ion na ikinatitig ni Kim sa binata.

"Tapos?" balik tanong ni Kim.

Napatiim ng bagang si Ion saka ito yumuko sa kotse at inilapit ang mukha kay Kim na noo'y nasa loob na ng kotse niya at nakaupo.

"Will you marry me?" seryosong tanong ni Ion kay Kim.

"Ano kasi..." sabi ni kim.

"Oo lang ang isasagot mo, at wala ng iba." sabi ni Ion.

Napahingang malalim si Kim saka ito umiwas ng tingin kay Ion.

"Gamitin mo ang utak mo para sa anak mo." sabi ni Autumn na umaalingawngaw sa utak ni Kim.

Napalunok si Kim ng marinig ang boses ni Autumn sa utak niya ng biglang may nagsalita na ikinagising sa pag-iisip ni Kim.

"Hello Cation." nakangiting bating sabi ng isang babae kay Ion.

Napalingon sila Kim at Ion ng may marinig na boses ng isang babae.

Napangiti ang babae ng lumingon si Ion, habang napatitig naman si Ion sa babae na nakasuot ng fitted jeans at hakab na blouse na komorte sa seksing katawan nito. Nakabukas ang butones ng babae sa bandang dibdib nito kaya sumisilip ang bilugang dibdib ng babae na ikinangisi ni Ion.

Napatingin si Kim kay Ion ng makita ang babaeng seksi na tumawag sa binata. At sa pagbaling ng tingin ni Kim sa binata napakunot ang noo ni Kim ng tila kuminang ang mga mata ni Ion na nagbabadyang haharot na naman ito.

"Okay, pumapayag na ako." sabi ni Kim kay Ion habang nakatingin ang binata sa babaeng seksi.

"Cation, busy ka ba ngayon?" tanong ng seksing babae kay Ion.

"Kapag umalis ka at sumama sa kanya, hindi na ako magpapakasal sayo." mahinang sabi ni Kim kay Ion.

Napabaling ang tingin ni Ion kay Kim saka ito ngumiti.

"Talaga? Magpapakasal na tayo?" sabi ni Ion kay Kim.

"Oo, kung gusto mo pa. Pero kung magiging busy ka na sa bagong haharutin mo. Okay lang, aalis na lang ako." sabi ni Kim, at akmang lalabas ito ng kotse ni Ion ng biglang humarang lalo si Ion sa pintuan ng kotse kung nasaan si Kim.

H12-2 My Playboy Husband Book 2 : Cation and Golden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon